Home Rebelasyon Hanggang kailan matutuldukan upang maging drug-free ang bansa

Hanggang kailan matutuldukan upang maging drug-free ang bansa

13
0
SHARE

MAGTATATLONG-TAON na sa kanyang puwesto bilang pinamakamataas na lider ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte, pero parang wala pa rin daw nakikitang pagbabago ang mga mapagmasid na mga mamamayang Pilipino, dahil hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin daw na namamayani ang pagtutulak at paggamit ng mga ipinagbabawal ng gamot sa maraming mga lugar ng ating bansa.

Maraming na ang mga narekober na shabu sa mga sinalakay na laboratoryo ang ating mga kapulisan, at marami na rin sa mga nasangkot sa operasyon ng droga ang naaresto, pero bakit parang wala pa rin daw pagkaubos ang mga taong nasa likod ng operasyon nito, kahit pa sabihing nasa libo na bilang na ang mga napatay at nakulong, na masasabing tagumpay sa kampanya ang Philippine National Police (PNP) sa paglaban sa mga iligal na droga.

Pero ang tanong ng marami, saan daw ba talaga nanggagaling ang shabu, na parang tubig na nanggaling sa isang balon na hindi maubus-ubos ang laman? Nire-recycle daw ba talaga ito. Bakit sa kabila ng mga nakumpiskang shabu ay bumabalik pa rin daw ito sa mga sulok-sulok ng mga lansangan? At sino ang dapat na papanagutin dito.

Ang iligal na droga ay nagbibigay ng pangamba sa Sambayanang Pilipino, at kung hindi mapipigilan ang pagkalat nito ay tiyak na marami pang mga buhay at kinabukasan ang masisira, dahil posibleng dumami at madagdagan pa ang mga magiging biktima ng walang patumanggang pagpatay, panggagahasa, pagnanakaw at paggawa ng iba pang mga krimen.

Ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot ang nagtutulak upang gumawa ng krimen ang isang gumagamit nito, dahil ang impluwensiya ng droga ay pumapasok sa kanyang utak kung kayat nakagagawa sila ng krimen dulot ng sinasabing hallucination na nangyayari sa kanilang pag-iisip.

Lubha na daw nakakabahala ang patuloy at hindi masugpong pagkalat ng mga shabu, na kahit sa mga liblib na lugar ng mga probinsiya ay nakakarating na. Sinsero ang kampanya ng Duterte administration sa pagsugpo sa illegal na droga pero wala pa rin daw makitang positibong pananaw ang mga mamamayang Pinoy upang matuldukan na ang problema sa droga at maging drug-free ang bansang Pilipinas.

Nasaan nga ba ang problema? Nasa pamamahala ba o sa mga pasaway at makukulit na mga Pilipino, na kung ano ang bawal ang siya namang ginagawa? (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleTrabaho, ipatutupad na raw sa unang buwan ng taong 2019
Next articleNCIP office ginagawang gatasan ng ilang politiko
EFREN Alcantara Fischer known as “Efren Alcantara” in his pen name, was started practicing by possession as radio reporter of DZTM- AM Radio since 1969 during his college year at the Lyceum of the Philippines. He owned a program “Ang Tinig ng Bulacan” over DWRT AM Radio, “Bangon Bayan” over DWAN- TV13 with Cezar Gregorio and Lingap sa Maralita with Oscar Cruz over DZME- 1530. Until he joined as one of Radio Correspondent of RMN- DZXL Radio assigned in Bulacan where he retired after 25 years in service. He also served as TV Reporter of CLTV 36 in Region 3 and recognized four times as Best Provincial Correspondent of the year of the Bulacan Government. He was also a former newswriter of a three national daily tabloid newspaper namely Dyaryo Bongga, Text Balita and Pilipino Star Ngayon. Presently he managed and control small audio video productions.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here