‘HAO SHIAO’ sa termino ng mga mamamahayag

0
225

ANO nga ba talaga ang ibig sabihin ng salitang HAO SHIOA ? Sa wika ng mga Chinese ang ibig sabihin nito ay Ridiculous, Laughable, Funny, Very Humorous..

Subalit, sa termino ng mga mamamahayag o ang ibig sabihin nito ay peke, mapagkunwari o huwad. Na kung saan ang mga pekeng media ay ginagamit lamang ang kanilang ID mula sa panghihingi o pangongotong pananakot na mas matapang pa ang ilan sa mga tunay na mamamahayag.

Hindi po nagmamalinis si LADY GAGA sa larangan ng pamamahayag ay halos dito na nag-tatlong kulay ang aking buhok samut-sari na ang mga naranasan na minsan nasagi ang aking ego (naks, meron ba ako nun).

Ilang buwan din halos o taon na hindi nakikita ng personal si Lady Gaga o ang inyong linkod subalit patuloy naman ang paggawa ng mga artikulo na lumalabas sa national na pahayagan at ang laging naka RONDA Balita, patnugutan na syang makikita at mababasa ang inyong lingkod.

HAO SHIAO na may kirot sa puso ko na tawagin akong ganito. (Emo pa) Tila yata may mali, (lumalabas ang sungay ni Lady Gaga). Hindi yata alam ng nagsalita ang word na hao shiao. Normal kahit saan ahensya ng gobyerno na may polisiya na pinatutupad at sanay na sanay tayo dyan.

Iba ang salitang hao shiao sa lehitimo kang nagsusulat at sa hindi accredited ng anupamang ahensya ng gobyerno.

Lahat tayo ay may kalayaan at pwede kang magpa-accredit, pwede din hindi subalit wala silang karapatan na pagsabihan ka ng hao shiao lalo’t lehitimo kang mamamahayag at ang pwede lang sabihing hindi siya o ikaw accredited.

Sa paglabas ng mga artikulo ay hindi naman ganun kabilis na makapaglabas ka ng istorya sa nasyunal lalo ito ay “praise release” at ang makakapaglabas lamang nito ng agad-agad ay yaong may mga sariling diaryo na pang lingguhan.

Wala tayong masamang intensyon. Ang nais at hangad ko lamang ay maintindihan ng karamihan ang totoong ibig sabihin ng hao shiao. Nawa’y bawat isa ay mag karoon ng RESPETO at igalang ang bawat isa .

Lahat tayo gustong mabuhay, makakain ng masasarap at mabigyan ng magandang kinabukasan ang ating mga anak subalit mas lalo tayong pag papalain ng ating AMA sa LANGIT kung tayo ay marunong rumespeto at gumalang sa bawat karapatan ng bawat isa. GOD BLESS YOU ALL! (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here