Harlene may reaksyon sa lovelife ng ex

0
757

MAHIGIT dalawang taon na ring hiwalay sina Harlen Bautista at Romnick Sarmenta.

Kumakalat ngayon sa social media na natagpuan na raw ng bagong babaing mamahalin ang ex ni Harlene sa katauhan ni Barbara Ruaro.

Nakuhanan ng pahayag ang sister ni ex-Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista hinggil sa isyu nina Romnick at Barbara.

Ani Harlene: “Ang importante, masaya na lang tayong lahat. It’s his life. Ang ano lang namin talaga is ang mga bata. Kung meron kaming dapat na pag-usapan, e, ang mga bata, yun lang yun.”

Nu’ng na-announce ng joint statement sina Harlene at Romnick tungkol sa kanilang paghihiwalay, pareho nilang sinabi na walang third party involved.

Despite raw sa tagal na nilang pagsasama ng halos isang dekada mahigit nagising na lang daw silang pareho na ang kanilang marriage ay hindi na nagwo-work out kaya nagpasya na silang maghiwalay.

Ang tanging pinag-uusapan na lang daw nila ngayon ay ang tungkol sa kanailang mga anak, no more.. no less.

Nasa korte na rin ang annulment ng ex-celebrity couple na natigil ang proseso dahil sa general community quarantine. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here