Home National News Hepe at 36 na tauhan ng Las Pinas City Police-SDEU, sinibak

Hepe at 36 na tauhan ng Las Pinas City Police-SDEU, sinibak

128
0
SHARE

LAS PIÑAS — Sinibak sa pwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director C/ Supt. Guillermo Eleazar ang lahat ng tauhan ng station drug enforcement unit ng Las Piñas City Police kabilang ang hepe nito na si Senior Supt. Maroin Balonglong matapos masangkot sa robbery-extortion ang ilang tauhan nito.

Maliban kay Balonglong, kasamang sinibak sa puesto si SDEU chief Senior Inspector Edgardo Tigbao at 36 na na tauhan nito.

Ani Eleazar, si Balonglong ay papalitan ni Senior Superintendent Simnar Gran, chief of the NCRPO Regional Investigation and Detective Management Division.

Si Balonglong ay iitnalaga sa NCRPO Regional Police Holding and Administrative Unit habang ang 36 anti-drug agents ay nasa floating status.

Ipinag-utos din ng NCRPO chief ang malawakang pagtutugis sa 7 pulis na sangkot sa robbery-extortion sa isang Cyrus Ligutan nung Miyerkules.

Kinilala ang 7 pulis na sina Police Officer 3 Joel Lupig, PO2 Vener Guanlao, and PO1s Mark Jefferson Fulgencio, Jeffrey de Leon, Raymart Gomez, Jason Arellano and Erickson Rivera na hindi na nag-report sa istasyon matapos and insidente.

Nangyari umano ang insidente ng pangingikil sa Cavite kung saan nag-demand ng pera ang mga pulis kapalit ng kalayaan ng isang drug suspect. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here