Home News Report Higit 500 kawani ng Customs na-promote

Higit 500 kawani ng Customs na-promote

154
0
SHARE

KUNG nagkaroon ng malawakang sibakan sa Bureau of Customs dahil sa korapsyon, ay may mga na-promote na dahil sa maayos na performance.

Sabay-sabay na nanumpa kanina kay Customs Commissioner Isidro Lapeña ang 560 bagong promote na kawani.

Bunsod nito’y mahigpit ang atas ni Lapeña sa mga na-promote na kawani na maging bahagi ng pagsugpo sa korapsyon at sa illegal drugs.

Kasabay nito’y nangako si Lapeña na may susunod pang batch ng promotion sa mga karapatdapat na mga kawani lalo’t nasa 3,325 na bakante pang posisyon sa ahensya ang kailangang mapunan.

Umaasa si Lapeña na sa pamamagitan ng promotion ay matitigil na ang korapsyon sa kagawaran, lalo na ang “tara” system.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here