Home Showbiz Hindi alam na anak ni Bossing Vic Sotto RYAN BANG MAY...

Hindi alam na anak ni Bossing Vic Sotto RYAN BANG MAY PAKIUSAP KAY DANITA SOTTO

954
0
SHARE

PANAY ang pakiusap ni Ryan Bang na isa sa host ng It’s Showtime kay Danica Sotto na huwag sasabihin sa ama nitong si Vic Sotto ang mga naikwento niya hinggil sa magiging bagong segment ng It’s Showtime.

Nagkakwentuhan raw kasi sina Ryan, Vice Ganda, Cheska Garcia at Danica Sotto sa kasal nina Anne Curtis at Erwan Heausaff na ginanap sa New Zealand.

Nagkukwento raw si Ryan sa mga bagong magaganap na segment ng kanilang programa, ang It’s Showtime. After nang pagkukwento saka lamang nalaman ni Ryan na anak ni Bossing Vic si Danica kung saan host naman si Bossing ng Eat Bulaga na katapat ng IS.

Nang malaman raw ng Korean host na anak ni Bossing si Danica ay nakiusap na ‘wag sabihin sa ama ang kanyang mga sinabi dahil baka raw siya tanggalin sa show.

Humingi ri ng sorry si Ryan sa director ng show. “Direk, sorry po talaga. Naikuwento ko lahat ng segment ng show, kasi akalain ko ba na tatay niya si Bossing. Pero direk, promise ni Danica na hindi siya magkukuwento sa tatay niya,” ani Ryan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here