Home Showbiz Hindi lang Queen of All Media… kundi KRIS AQUINO QUEEN OF...

Hindi lang Queen of All Media… kundi KRIS AQUINO QUEEN OF ONLINE WORLD AND SOCIAL MEDIA

234
0
SHARE

HINDI  lang pala Queen of All Media si Kris Aquino kundi tinagurian na rin siyang Queen of Online World and Social Media.

Balak kasi ni Kris na mas lumakas ang kanyang online influence kaya naman nakipag-meeting siya sa Google, Facebook, at Instagram na ginanap sa Singapore kamakailan.

Naging successful naman ang pakikipag-negotiate ng bunsong anak ni dating Presidente Cory Aquino.

So from Queen of All Media may bagong title na rin siya ang Queen of Online World and Social Media.

Kung inyong mapapansin lahat ng nangyayari sa buhay ni Kris at sa kanyang mga anak ay ipinopost niya sa kanyang mga social media account.

Paraan raw ito para lalong maraming advertisers ang magtiwala at kumuha sa kanya.

May YouTube channel din si Kristeta ang The Aquinos kung saan napakarami ng nagho-hook. Ang kanya namang social media account ng Instagram ay may mga followers na 3.2 million.

Kamakailan lang ay nanalo ng bronze award si Kris sa Berlin Native Advertising awards dahil sa ipinost niyang Faves & Finds — Shopping for Bimb’s School Needs na lumabas sa YouTube channel niya.

Winner siya sa kategoryang kategoryang Best Use of Influencer sa Channel Theme.

Walang sawa ang pasasalamat ni Kris sa kanyang mga followers na laging nakasuporta sa kanya.

Hindi pa rin maiwasan na maraming nakaka-miss kay Kris sa paghu-host kaya ang tanong nila ay kung kelan ba talaga siya magbabalik-TV?

Eto ang sagot ni Kris sa kanyang social media account “The thought is so heartwarming but the choice isn’t mine to make. I don’t own the networks nor do I have any influence w/ the owners…please just keep watching me on FB.”

SHARE
Previous articleLuis Manzano handa nang mag-asawa, waiting na lang kay Jessy Mendiola
Next articleLegacy ng Bautista Family pinagpatuloy ni Mayor Bistek
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here