Hindi na kailangang magbenta ng ari-arian ng gobyerno

0
171
Opinion Column ni Vic  Billones lll

TILA sinusubukan ng panahon ang katalinuhan ng Sangkatauhan, at paniniwalang may himala upang mapuksa ng agaran ang naidudulot ng salot na Corona virus (COVID-19,) sa buhay ng tao.

Ang COVID-19 ay malawak na ang nasasakop na lugar, kung saan marami na ang namamatay na tao. Marami na ang naulila, at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pananalasa nito. Malaki ang epekto nito sa kabuhayan, mga mangagawa ay nawalan ng kita, mga negosyo’y nagsarado.

Maging ang pangulo ng bansa na si Pangulong Rodrigo Duterte ay sumasakit na din ang ulo sa pagiisip, kung saan pa kukuha ng salaping maitutulong sa kanyang mga mamamayan. Sa kanyang mga mensahe ay nababanggit niya na posibleng ibenta niya ang ilang pagaari ng Gobyerno upang punan ang kakulangang pinansiyal para maayudahan lamang ang lahat ng mga Pilipino, laban sa mapaminsalang Corona virus.

Tsk! Tsk! Tsk! Matindi talaga ang Corona virus, hanggang ngayon ay wala pang gamot laban dito. Bakit hindi natin suriin o alamin kung paanong mga paraan ang mga ginawa ng mga mangagamot at mga pasyenteng positibo sa COVID-19, at sila ay naging negatibo?

Mayroon ba silang iniinom na mga gamot? May ehersisyo ba silang ginagawa? Anu-ano ang kanilang mga kinakain? Lagi ba silang nagpapahinga? Ano ang mga bawal at hindi para sa kanila? Ang mga pasyente na naging negatibo o ligtas na sa nasabing ‘virus’ ay maaaring hingan ng opinyon at sagot sa mga tanong kontra sa nasabing ‘virus.’ Hindi na kailangan magbenta ng mga ari-arian ang Gobyerno, huwag magpasubok sa panahon. Bakit hindi muna subukan ang katalinuhan sa payak na pamamaraan.


Gulayan sa Pamayanan sa LSJDM

Magandang balita para sa lahat, nailunsad na sa Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan, ang programang Gulayan sa Pamayanan, na isinagawa sa Melody Plains, Barangay Muzon, kamakailan. Ang nasabing programa ay may layuning magkaroon ng ganap na seguridad sa pagkain ang mga San Josenios.

Sa pagpapakita ng halimbawa sa madla ay hinikayat ng Administrasyong Robes na makiisa ang lahat ng tahanan sa Lungsod na magtanim sa kani-kanilang bakuran, at maibalik ang sigla ng agrikulura sa kanilang nasasakupan. Ang nasabing programa ay pinangunahan nila Mayor Arthur Robes, Congresswoman Rida Robes, City Agriculture Office at mga HOA Officials ng Barangay Muzon, LSJDM.

Tsk! Tsk! Tsk! Kailangan talaga na bigyan pansin ang agrikultura sa bansa. Kahit sa paso o gilid gilid ng bakuran na may lupa at pwedeng magtanim ng kamatis, kalamansi at iba pang gulay na makakain. Dito nga sa likod bahay ko, may nakita akong pausbong na tila halaman na may mga tangkay. Inilipat ko sa isang medyo maluwang na lupa at lagian kong dinidiligan, ngayon may mga bunga na, apat na malalaking bunga ng langka. Puno pala ng langka ‘yun! Hehehehe. Malapit ko na pitasin. Maganda iyang Gulayan sa Pamayanan. Hanggang sa muli! (RONDA BALITA Online)

Previous articleAsymptomatics: Lets get ready to rumble!
Next article2 escapees from Bulacan jail captured in Pampanga
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here