Hirit ng mga basketball player

0
135
EXTRA FONTS, an opinion column by Manny Camua Dela Cruz

KAHIT na ipinagbabawal ang larong basketball mula nang magkaroon ng pandemya, humihirit ngayon itong mga kabataang basketbolista sa mga kinauukulan na payagan na raw silang maglaro ng basketball o buksan na ang mga basketball court dahil ang larong ito anila ay isang uri ng ehersisyo.

 Tamang may banta ng Covid 19 subalit sampu player lang nan anila ang naglalaro sa loob ng hardcourt pero ang pagkukumpulan ng mga tao sa mga pamilihan tulad ng public market ay hindi umano iyon binibigyan ng pansin samantalang halos magkabanggaan na sa loob ng pamilihan.

Binanggit pa nila ang nakaraang palistahan sa SAP na halos magkadikit-dikit ang mga tao sa mga barangay hall pero nakalulusot ang ganitong pangyayari, samantalang ang mga basketball player anila na panay lang ang takbo sa loob ng hardcourt ang palaging nakikita at pinagbabawalang maglaro

Sa kabilang banda, ang  Inter-Agency Task Force (IATF) mismo ay nagdesisyon na buksan na ang nga sinehan at iba pang mga negosyo sa bansa upang makabangon na ang ating ekonomiya mula sa mahabang lockdown na nagsimula noong Marso 2020 kaya may punto ang mga kabataan.

 Kung ang mga sinehan na kulong o kulob ay papayagan ng magbukas, bakit nga naman itong paglalaro ng basketball ay ayaw pang payagan? Kaya ang ginagawa ng mga kabataan kahit nn bawal ay pilit na iginigiit ang kanilang hilig sa paglalaro ng basketball.

Gumagawa sila ng board at ring at itatayo sa posteng kahoy para lamang makapaglaro sila ng basketball. Kaya lang, kapag nabalitaan ng mga barangay official na may nga kabataang naglalaro ng basketball sa kanilang lugar ay agad nila itong pupuntahan at saka tatanggalin ang ring para hindi na makapaglaro ang mga kabataan.

Dapat sigurong pag-aralan ng mga kinauukulan lalo na ang IATF na bigyan ng luwag ang mga kabataan para sila ay makapag ehersisyo tulad ng basketball game upang lumakas ang kanilang mga katawan at makaiwas na rin sa labis na pagkahumaling sa gadgets.(RONDA BALITA Online) 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here