Home National News HIV infected umabot sa 31 kaso kada araw

HIV infected umabot sa 31 kaso kada araw

136
0
SHARE

BIGLANG naalarma ang Department of Health (DOH) dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon ng sakit na human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa kaung saan umabot na ito sa 31 na kaso bawat araw.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III pag-oobserba ng World AIDS Day kahapon, umapela ito sa mga HIV carrier na itinatago pa rin ang kanilang mga sakit na lumantad na para sila ay matulungan ng gobyerno.

“If people will be afraid to come out, we cannot control the spread of AIDS among our population,” pahayag ni Duque.

Binanggit ni Duque ang mga estadistikang nakalap ng DOH ukol sa HIV infection sa Pilipinas.

Aniya, simula Enero 1984 hanggang Agosto 2017 ay umaabot sa kabuuang bilang na 46,985 HIV cases ang naiulat sa DOH. Mula sa nasabing datos, nasa 31,475 HIV positive aniya ang naitala o 67% ng kabuuang 46,985 na reported HIV case sa kagawaran.

Mula sa nasabing bilang ng mga HIV positive ay 33% o 15,505 lamang ang kumuha ng libreng antiretroviral medicine na inaalok ng DOH.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here