Home Bulacan Local News HMR Express sa Calumpit, bukas na!

HMR Express sa Calumpit, bukas na!

103
0
SHARE
Pinangunahan nina HMR Philippines CEO for Retail Sharlene Carman (second from right) kasama si HMR Calumpit franchise owner Eric Illescas (lleft), store manager Jun Miranda at Esther Illescas (kanan), ang ceremonial ribbon-cutting ng ika-29 na HMR Store na matatagpuan sa Calumpit, Bulacan nu’ng Sabado, October 12, 2019.

CALUMPIT, Bulacan — Binuksan nu’ng Sabado (Oct. 12) ang bagong tindahan para sa mga produktong local at imported goods na affordable ang presyo dito sa nabanggit na bayan para sa nalalapit na Kapaskuhan.

Makikita ang nagmamay-ari ng HMR Express Calumpit Eric Illescas.

Kung hanap ay quality goods pero less expensive, ito ang tamang hunting ground na binuksan para sa sa mga Bulakenyo.

Ang HMR Express Calumpit ay matatagpuan sa Ashdod Bldg, KM 46 McArthur Highway, Pio Cruzcosa.

Ayon kay HMR Retail CEO Sharlene Carman ang HMR Express ay hindi isang ordinaryong retail store ng mga gadgets, household o office supplies kundi isang mini-mall kung saan matatagpuan itong mga produkto at the lowest prices.

“Garantisadong mababa ang mga presyo at kung makakakuha sila (mga buyers) ng kaparehong item sa ibang retail store dito sa Bulacan na mas mababa sa kaysa sa aming presyo, they will sell it at 10 percent lower,” ani Carman.

Merong 28 HMR Trading Haus sa Norte (14 branches) at South Luzon kasama sa Metro Manila HMR Express stores at itong HMR Calumpit ay prankisa at ika-29 store na pag-aari ni Engineer-developer-businessman Eric Illescas.

Si Eric Illescas din ang nagmamay-ari ng mga prankisa ng Shakey’s at Hap Chan in Calumpit, Malolos, Pulilan and Baliuag, at siya rin ang responsable sa booming fine-dining joints sa Lungsod ng Malolos, dubbed as “Tikay Morato Strip” sa Barangay Tikay sa naturang lungsod.

Ayon pa kay Ria Enriquez, HMR marketing manager, maliban sa day-to-day mart gadgets, ang HMR Trading ay meron ding mga quality brand-new and surplus office/home furniture, appliances, sporting goods, clothes and industrial supplies at tools.

Available din sa HMR Calumpit ang Portwest apparel at outdoor water adventures made by Aqua Marina.

Halos nasa tatlong dekada na ang HMR Philippines trading haus dito sa ating bansa at itinulad ito sa bansang Australia.

“Don’t miss out on HMR’s unique online shopping experience for anyone anywhere in the world. We make buying gifts so easy, all you have to do is click on an item on our HMR website, select a payment option and the greeting details. From there, we take care of the rest,” dagdag pa ni Enriquez. (RONDA BALITA Online News)

SHARE
Previous article3rd Blood Center in Bulacan opens in San Rafael
Next articleDTI-Bataan intensifies awareness vs substandard construction materials
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here