Home Katropa Rumoronda Husay at galing ng LSJDM, kinilala

Husay at galing ng LSJDM, kinilala

23
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

ISA na namang pagpupunyagi ang nakamtan ng Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan, ng ito ay parangalan ng “The Most Business Friendly / High Return Awards” ng The Manila Times Model Cities and Municipalities. Ang Parangal ay malugod na tinanggap ni Mayor Arturo Robes kamakailan.

Nakatutuwang pagmasdan ang mga ngiti ng mga San Josenios ng kanilang mabalitaang muli na namang nag-akyat ng panibagong pagkilala ang San Jose Del Monte. Dahil anila sa sipag, dunong ng mga lider sa pamamahala sa naturang Siyudad.

Ika nga ni Dr. Dennis Booth, Ph.D., City Administrator ng LSJDM, isang karagdagang karangalan para sa ating lungsod na magkaroon ng pagkakilala sa husay at galing ni Mayor Robes at Lungsod ng San Jose Del Monte. In principle, ito ay dagdag sa ating ‘motivation,’ nakaka-inspire sa atin na ipagpatuloy pa ang mabuti at tapat na pagseserbisyo sa ating pamayanan, sa publiko. Nakita na mismo ang husay at galing ng ating mga namumuno.

Dahil sa natamong karangalan ng San Jose Del Monte, siya ay namumukod tangi sa buong Bulacan. Hindi lamang “local source of pride” ang pwedeng i-claim natin kundi ito rin ay karangalan para sa buong lalawigan ng Bulacan.”

“Proud akong maging San Josenio, dahil hindi nagpapabaya ang Administrasyong Robes, sina Mayor at Congw Rida Robes, VM Efren Bartolome Jr., ang Sangguniang Panlungsod, ang mga mahuhusay na kawani ng pamahalaang lokal, pati ikaw Katropa (na may malaking ngiti,)” Sambit ni Aling Elisa na nagtitinda ng meryendang kakanin.

Tsk! Tsk! Tsk! Hindi ko na sana isasama ang Katropa sa kanyang sinabi, nagiliwan lamang ako sa kanyang ngiti. Sabay abot sa akin ng kakanin na may kasunod na salita, “ Sir Sampung piso lang po iyan!” Pambihira talaga naman. Hahahaha. Nais kong batiin muli si Mayor Arturo Robes at ang Sambayanan ng LSJDM, sa parangal na ito. Mabuhay po kayong lahat nawa ay inyong ipagpatuloy ang mabuting nasimulan at hangarin para sa ikauunlad ng buhay ng mga San Josenios at ng San Jose Del Monte. ARya San Josenios.

*****
P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., — Best Chief of Police

Binabati din natin si P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., LSJDM PNP Chief of Police, na nihirang na ‘Best Chief of Police’ at ‘Best City Police Station,’ ang LSJDM PNP.

Tsk! Tsk! Tsk! Minsan ay nakasama ko itong si Castil sa pag-akyat sa bundok sa pagitan ng San Jose Del Monte at Norzagaray. Talagang magaling itong si Castil. Tahimik, magalang pero matinik. Nakakabilib! Mabuhay ka sir!

Kung may nais kayong ipalathala sa ating kolum ay narito ang ating email: billones@ralo.org. Hanggang sa muli! (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleMga teachers na peke ang masteral degree, paano masusupil?
Next articleMisis na hiniwalayan ni mister, nagbaril sa sarili
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here