Home Kakampi Ng Masa Huwag ibenta ang prinsipyo at pagkatao ngayong halalan

Huwag ibenta ang prinsipyo at pagkatao ngayong halalan

11
0
SHARE
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

SA darating na eleksyon sa Mayo 13, magdedesisyon ang sambayanang Pilipino para sa magiging kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.

Bagama’t alam ng lahat at bantad ang talamak na vote buying sa maraming lugar sa bansa kabilang na ang Bulacan, saan kaya tayo pupulutin kung muling mananalo ang ilang mga GANID at SAKIM sa kapangyarihan na politiko.

Ilan sa mga lugar ng Bulacan ang talamak sa umano ang pamimili ng boto ang District 1at District 2 at 3 at San Jose del Monte City.

Kung noon mga leader ang inaabutan ng milyong kwarta ng isang kandidato, medyo nabago ngayon mga ’igan, mga Kapitan del Barrio na ang namumudmod ng salapi.

Habang ang iba naman ay may malalang sakit na kandidato, halos hindi na makalabas ng kanyang bahay dahil sa karamdaman, namamayagpag pa rin ito.

Dahil mistulang tinamaan ng baha, landslide at lindol sa pagpapaabot ng relief goods na may dalawang kilong bigas, sardinas at nòodles ang kanilang mga ka-barangay na botante.

Ibat-ibang paraan ang ginagawang estratehiya ng mga ganid na lider sa ating bayan.

Subalit hindi pa rin sila naglulubay o sumusuko at nagawa pang ipasa sa iisang dugo upang matiyak na hindi na mapapasok ng iba ang kanilang mga pangalan sa larangan ng politika. Kaya naman gagawin nila ang lahat mga ’igan para maabot ang kanilang pinapangarap.

At isa sa mabisang paraan dyan mga ’igan, upang mahinto na ang ganitong kalakaran, tanggapin ang kwarta at iboto ang kursunada.

Huwag tayong padadala sa mga bolerong lider na ang hangad ay personal na interes lamang.

Sa Mayo 13, lumabas tayo ng bahay at bumoto nang naayon sa ating kalooban. Iwasang magpadikta sa sinuman.

Dahil ang kapalit nito’y tatlong taon na panunungkulan na walang katiyakan kung kayo ba ay muling tutulungan sa oras ng inyong pangangailangan.

Kadalasan na bukambibig ng mga nanalong politician sa pamimili ng boto, ang mga salitang “Hindi ba binayaran na Kita” wag kang mag kakaila may listahan ako.

Muli paalala ng RONDA Balita, mga ’igan, Vote wisely… all the time.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag-send lamang sa thony.arcenal@gmail.com (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here