Huwag kalimutang magdasal!

0
612
An opinion column by Rolando S. Gamoso

HABANG isinusulat ko ito ay may 49 kataong nagpositibo na po sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 dito sa bansa. Sobrang nakakaalarma ang bilis nitong kumalat, ‘di po ba?

Ano nga ba ang Coronavirus? Ang Coronavirus ay isang tipo ng mga viruses na nagdudulot ng lagnat, at sa ilang kaso, nagiging sanhi ng malalang sakit sa baga o paghinga/respiratoryo (SARS).

Madalas maging sintomas ng mga viral infections na ganito ang pagkakaroon ng mataas na init sa katawan, pagkakasakit ng katawan, sore throat, malalang pagsipon, pag-ubo, at hirap o problema sa paghinga.

Maaaring lumala ito at maging pneumonia, o respiratory syndrome na magpapabagsak sa immune system ng isang pasyente na puwede niyang ikamatay.

Wala pang gamot o treatment sa coronavirus. Ngunit marami sa sintomas nito ang maaaring gamutin base sa kalagayang pangkalusugan ng pasyente.

Mabisa rin ang masugid na pag-aalaga at pagsuporta o supportive care para sa mga pasyente.

As of March 11, 2020 , 10:40 GMT, umabot na sa 119, 471 ang kabuuang bilang ng mga naging biktima ng COVID-19 sa buong mundo.

Mula sa naitalang kabuuan na iyan, 70,968 ang closed cases: 66, 666 (94%) ang recovered/discharge habang 4,302 (6%) ang namatay. Ang natitirang 48, 503 ay nasa active cases (currently infected patients) naman: 42, 756 (88%) ang nasa mild condition habang 5,747 (12%) ang nasa serious o critical na kalagayan.
So, alam na natin na hindi basta-basta ang sakit na dulot ng COVID-19 kaya dapat talaga tayong mag-ingat. Hindi lang basta-basta ang gagawin nating pag-iingat kundi doble-dobleng pag-iingat.

Ang tanong, ano ang mga dapat nating gawin para maiwasan ito?

Dapat, ugaliin ang paghuhugas ng kamay; gumamit ng hand sanitizer o alcohol; sundin ang tamang paraan ng pag-ubo: laging magdala ng panyo o tissue, takpan ang buong ilong at bibig gamit ang panyo/tissue, lumayo sa mga tao kung babahing o uubo, huwag dumura kung saan-saan, at itapon ang ginamit na tissue sa basurahan; iwasan ang paghawak sa mga hayop; siguraduhing luto nang maayos ang pagkain; at panatilihing malusog ang sarili upang lumakas ang resistensya.

At, siyempre pa, huwag kalimutang magdasal para sa ating kaligtasan. Dahil ang dasal ang pinakamabisang pananggalang at gamot sa lahat. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here