Home National News HVT, No. 1 most wanted sa Cavite, timbog sa Batangas

HVT, No. 1 most wanted sa Cavite, timbog sa Batangas

1522
0
SHARE

LAUREL, Batangas — Personal na sumuko kay Mayor Randy James Amo at kay Police Senior Insp. Rommel Alcantara, hepe ng bayang ito ang itinuturing ng High Value Target (HVT) Level 1 sa Regional level, Top 7 sa manhunt Charlie ng municipal level at No. 1 most wanted person sa bayan ng Alfonso Cavite.

Ang suspek ay nakilalang si Margio Gardiola, 39-anyos, kasalukuyang residente ng Brgy. Ticub, Laurel, Batangas.

Ayon sa report alas-11:45 ng umaga nitong lunes ng magtungo sa tanggapan ng alkalde sa munisipyo si Gardiola para sumuko dahil sa takot na maitumba o mapatay dahil sa mga kinasangkutan na kaso at may mga alias warrant para sa kaso ng murder at frustrated murder na inisyu ni Judge Jaime Santiago ng Regional Trial Court Branch 18 ng Tagaytay City.

Pansamantalang nakakulong sa Laurel City municipal cell ang suspek at nakatakdang iharap sa korte., (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleSen. Gordon to lead 120th Independence Day in Bulacan
Next articlePulis Quezon timbog sa entrapment operation sa Cavite
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here