Home Katropa Rumoronda Iba ang pinagkakaabalahan sa LSJDSM

Iba ang pinagkakaabalahan sa LSJDSM

33
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

NITONG nakaraang ilang linggo ay bising-bisi ang ilang tumatakbong kandidato at mamamayan sa ilang bayan, sa darating na lokal na Halalan 2019. Maging sa kanilang mga ‘social accounts’ ay laging naka-‘post’na ang ‘Slogan’ ng mga kandidato, animo’y mga Artista sa puting tabing.

Dito sa Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) ay iba ang pinagkakaabalahan ng mga lingkod bayan, na sina Mayor Arthur Robes, Congw Rida Robes at VM Efren Bartolome, Jr., kabilang na ang mga kawani ng Pamahalaan, ito ay ang gawaing bayan,

Tulad ng pagbasbas at pagpapasinaya ng ‘phase1rehabilitation’ ng Ospital ng Lungsod ng San Jose Del Monte (OLSJDM,) kaalinsunod ang ‘groundbreaking of OLSJDM Phase 2 Improvement,’ kamakailan, na ikinatuwa ng mga San Josenios. Dagdag sa kanilang katuwaan ang pag-‘blessing’ ng dalawang ‘fire auxiliary trucks,’ apat na ambulansiya at apat na ‘ambucycle’ para magamit na tulong sa mga mamamayan ng LSJDM.

Naging abala din ang LSJDM, ng an gating mga kabataang kalahok sa katatapos na Batang Pinoy Luzon Qualifying Leg ay nagkamit ng maraming medalya. 6 na ginto at iba. Gayundin nagkaroon ng ‘City Peace and
Order Council Meeting,’ upang masigurado ang katiwasayan at kaayusan ng
lungsod. Tinalakay din ang bawal na droga, at upang masiguro na drug free ang ating Lungsod. Ang ‘Community Anti-Terrorism Awareness Seminar,’ pinangunahan ng Philippine National Police (PNP,) kung saan inayudahan ng Administrasyong Robes ang mga awtoridad na bigyan ng mga sari-saring kagamitan ang mga Barangay Tanod sa kani-kanilang mga lugar laban sa masasamang loob.

Nagkaroon din ng ‘Gender Sensitivity Training’ na pinamahalaan ng City Human Resource Management Office. Tungo sa mas epektibong paglilingkod sa pamahalaan. Gayundin ang ‘Maintenance of government facilities, isa na dito ang ‘sidewalk cleaning.’ Ang ‘Mushroom production and processing seminar’ ng City Agriculture Office, ang tamang pagpapadami ng ‘mushroom.’ Kabilang na dito ang ‘Vegetable production Seminar’ kung saan itinuro dito ang makabagong teknolohiya sa paghahalaman at pagpaparami ng ‘production’ ng gulay.

Ang ‘Pre-Marriage Counseling, at Responsible Movement Class ng City Population Office. Ang ang patuloy na ‘blood letting activity’ ng City Health Office (CHO).Pabasa sa Nutrition, kahalagahan ng pagkain ng gulay. Free dental Services, Bakuna Laban sa Tetano, Monitoring and Dengue Vector Surveillance, Clean up drive ng CHO, ay abala sa pagbibigay tulong.

Ang ‘Senior Citizens Summit,’ ay inlunsad upang mapanatili ang kalusugan ng mga katandaan. Patuloy ang ‘Local Recruitment Activity, Employers Summit’ ng Public Employment Service Office (PESO.) Patuloy
ang Training on Veterinary Services ng City Veterinary Office, at nitong huli
ng linggong nakaraan ay ang ‘Blessing of Rural Health Unit, Brgy Tongkong Mangga, at ‘Blessing of Multipurpose Building’ sa Brgy Muzon at ‘road’ sa Del Valle, Brgy Poblacion 1.

Tsk! Tsk! Tsk! Hayan mga masugid nating mambabasa ang mga nagawa nitong nakalipas na mga linggo sa LSJDM, ‘Busy’ ang mga Lingkod
bayan sa gawaing makatao. Idagdag pa dito ang pagpapataas ng ‘moral’ ng mga kababaihan, na isinagawa ng mga ahensiya ng pamahalaan na sumasakop dito. Heto ang dapat kaabalahan, ang pagbibigay ng tamang serbisyo at kalinga sa taumbayan. Narito po ang ating email: billones@ralo.org.Hanggang sa muli.

*****
ACCIDENT INSURANCE PLAN para sa mga SENIORS, ito ang isa sa ipagkakaloob ni Cong. Rodante D. Marcoleta, tumatakbong Party-list Representative sa Kongreso, sa Halalang 2019. Ito ang sinabi ng kinatawan ni Cong Marcoleta na si G. Libni Marcoleta, Secretary General ng SAGIP, sa lahat ng Seniors ng bayang Pandi, Bulacan, na umaten sa kanilang pagbibigay ng tulong sa mga katandaan, kamakailan. Ayon kay Libni, “bagamat maliit ang pondo at partido namin, Nangangako po kami doon sa kaya naming tuparin.” Makikita sa larawan si Libni (naka-mikropono.) Ang nasabing okasyon ay pinangasiwaan nina: Minda Bobiles, at Manny Resurreccion, FSCAP President, Pandi Chapter. (Kuha ni Vic Billones III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here