Ibang bayan namangha sa bagong bihis na LSJDM

0
108
Opinion Column ni Vic  Billones lll

NAPURI at nabighani sa biglaang pagbabago at kaunlaran ng Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) ang mga Opisyales ng bayan ng San Andres, Lalawigan ng Romblon, ng pumasyal ang mga ito sa naturang Siyudad, kamakailan.

Ayon kay Vice Mayor Joel Ibanez, San Andres, Romblon, “ nagpapasalamat po kami ng napakalaki, sa matamis na pagtanggap sa mga delegado namin galing sa San Andres, Romblon. Naikot po namin mula sa ‘old City hall’ hanggang sa bagong ginagawang ‘City hall,’ talagang napakaganda po at para sa akin ay napakaunlad na po ng San Jose Del Monte.

Ang layunin po ay para matuto kami, mapag-aralan namin kung bakit ganito katanyag, kaganda ka-sikat ang bayang ito, baka puwede naming ma-adapt sa aming bayan. Parang lakbay aral.”

Ang nasabing delegasyon ay malugod na tinanggap ng mga Opisyales na rin ng LSJDM, sa pangunguna ni Vice Mayor Efren Bartolome Jr. Ipinahayag ni Bartolome ang kanyang kagalakan, “nagpapasalamat po tayo at nabisita po tayo ng mga delegado ng bayan ng San Andres, Probinsiya ng Romblon, at sila po ay wini-‘welcome’ natin sa ating lungsod ng San Jose Del Monte, sa pangunguna ng ating butihing Mayor Arthur Robes, kasama po iyung bumubuo ng Sanggunian. Ang kanilang Vice Mayor ay naririto, at nakatagpo po natin kasama po ang bunubuo ng Sangguniang bayan ng Municipality ng San Andres.

Alam po ninyo napakalaking bagay na sila po ay nakarating dito at makapasyal sa ating Lungsod ng San Jose Del Monte at makapagpalitan po ng mga ‘idea.’ Kung anuman po ang mga nais na maitulong sa kanilang bayan o maaaring itulong nila sa ating Lungsod. Siguro kung kami ay maiimbitahan na pumunta sa kanilang bayan, bakit hindi naman kami papasyal sa kanilang Municipality ng sa gayun po ay makita naman namin ang kanilang bayan.”

Sang-ayon naman kay Dr. Dennis Booth Ph.D., City Administrator, LSJDM, “ako ay labis na natutuwa at napasyalan ako ng aking mga kababayan mula sa Lalawigan ng Romblon, Inilibot po natin sila sa ating bayan at ito naman ay kanilang ikinalugod, at hinangaan ang kaunlaran ng Lungsod ng San Jose Del Monte.

Maganda ang kanilang mga nasabi tungkol sa ating Lungsod na kung saan tayo ay naging kabahagi ng kaunlaran, ito ay sa pangunguna na rin nila Mayor Arthur Robes, Congw ‘Ate Rida’ Robes, VM Efren Bartolome Jr., ang Sangguniang Panglungsod at mga masisipag na kawani nito. Nais kong pasalamatan ang pagbisita nila Vice Mayor Joel Ibanez at mga miyembro ng Sangguniang bayan ng San Andres.”

Tsk! Tsk! Tsk! Hayan mga mambabasa, ibang bayan, humanga sa katayuan ngayon ng LSJDM. Kung noon ay sinasabi ng nakararami na madumi ang kapaligiran at tila hindi naaaninag ang kaunlaran, ngayon ayon sa mga bumibisitang taga-ibang bayan o lalawigan, ang LSJDM ay talagang kumikinang at kinikilala ng lahat. Iyan naman ay sa maayos na pamumuno ni Mayor Art Robes. ARya San Josenios. (RONDA BALITA Online)

 

 

Previous articleMayor ng San Fernando City LU, sinibak ng Ombudsman sa puwesto
Next articleMayor Lazatin asks DPWH to stop tree cutting in Angeles
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here