Home National News Ika-100 taong anibersaryo ng Malolos Lodge 46, ipagdiriwang

Ika-100 taong anibersaryo ng Malolos Lodge 46, ipagdiriwang

20
0
SHARE
Ang ilang kasapi ng Malolos Masonic Lodge 46 sa pangunguna ni Past Grandmaster Pacifico “Boy” Aniag. (Larawan ni RR Eleogo)

CITY OF MALOLOS — Pinaghahandaan na ng Mason Lodge 46 ang kanilang pinakahihintay na malaking selebrasyon, ang kanilang Ika-100 taon anibersaryo ngayong buwan ng Enero 2019.

Ang mga namumuno sa Mason Lodge 46 na sina WM Albert Dumlao,
PGM Boy Aniag, VW Lito Catalan, VW Emman Mateo at VW Tino Garcia. (Larawan ni RR Eleogo)

Ayon kay Past Grandmaster Pacifico “Boy” Aniag, isang malaking selebrasyon ang pinaghahandaan ngayon ng mga Mason sa lalawigan ng Bulacan sa pagdiriwang ng nalalapit nitong centennial anniversary simula sa January 19, 2019.

Aniya, sa pagdiriwang ng nasabing sentenaryong selebrasyon ay magkakaroon ng photo exhibit sa nabanggit na pagbubukas ng pormal na pagdiriwang na gaganapin sa Robinson Malolos na siyang opening ceremony ng naturang event na pangungunahan ng kanilang Grand Master Romeo Momo.

Ayon naman kay Eman Mateo, Centennial Committee chairman, ang Lodge 46 ay bibigyan pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan gayundin ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa Enero 22-28 kasabay ng pagdiriwang ng 1st Philippine Republic na gaganapin sa Malolos Masonic Center.

Ito umano ay hindi lamang selebrasyon ng Malolos Lodge 46 kundi centennial celebration na ng buong lalawigan ng Bulacan, ayon kay Alberto Dumlao- current Worshipful Master (President).

Nabatid na ang Masonry ay binubuo ng mga lalaking miyembro na kumikilala sa iisang Diyos, ani Aniag.

Sinabi ni Dumlao na ang nasabing Masonaria ay hindi religious group pero maituturing itong relihiyosong samahan na may takot sa Diyos at kumakalinga sa kapwa.

“Ito umano ay isang kapatiran na tumutulong na isabuhay ang matuwid at tamang gawain,“ ayon kay Aniag.

“Kami ay nagtatayo ng templo sa aming personalidad, in the hearts of men, a brotherly of love, relief na tumatalima sa katotohanan,“ dagdag pa nito.

Taong 1919 nang i-organisa ni dating Pangulong Manuel L. Quezon bilang Grand Master ang Malolos Lodge na pinamunuan naman ni First Master at dating Bulacan Governor Nicolas Buendia.

Idinagdag pa ni Aniag na bahagi rin ng Masonry program ay ang pagsasaayos ng kaunlaran at nagsasagawa rin sila ng mga outreach program mula sa kanilang social action activities. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here