Home Ronda Patrol Ika-9 na anibersaryo ng Ampatuan Massacre, ginunita ng NPC

Ika-9 na anibersaryo ng Ampatuan Massacre, ginunita ng NPC

7
0
SHARE

GINUNITA nitong Biyernes (Nov. 23) ng National Press Club sa pangunguna ni dating NPC President Joel Sy-Egco at kasalukuyang Presidente ng organisasyon na si Rolly “Lakay” Gonzalo at Vice President Paul Gutierez ang ika-9 na taong anibersaryo ng malagim na trahedyang Maguindanao Massacre nung 2009.

Umabot sa 58 katao ang naging biktima kabilang ang 32 mamamahayag na magko-cover sana sa gagawing pagpapa-file na kandidatura ng asawa ng kasalukuyang Governor Toto Mangudadatu.

Hinarang at pinagbabaril pagkaraan ay ibinaon sa lupa kasama na ang sasakyan ng mga biktima gamit ang isang back hoe ng mga tauhan ng Ampatuan sa pangunguna ni Andal Ampatuan Jr., kasama sa mga pangunahing akusado sa massacre ang ama nito na si Andal Sr. at ang kapatid niya na si dating Congressman Sajid Mangungudadatu na kamakailan lang ay pinayagan na makalaya at makadalo sa kasal ng kanyang anak na babae kung saan ay ninong at ninang sina Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go at Davao Mayor Sarah Duterte at ilan mga opisyal ng PNP.

Nawa’y makamtan na ng mga pamilya ng mga naging biktima ng malagim at kasuklam-suklam na pamamaslang sa mga kagawad ng media ang hustisya.

Inaasahan na ang magiging hatol kay Andal Ampatuan Jr. ay magsisilbing liwanag sa inaasam na katarungan para sa mga naulilang pamilya ng mga napatay na mga mamamahayag.

Nagdaos ng dasal at panalangin at blood-letting donation ang mga opisyal at miyembro ng NPC Press Club! Umaasa tayo na magtuluy-tuloy na ang napakahabang paghintay ng mga pamilya ng mga biktima para na rin sa kanilang mga kapanatagan.

Kami po na mga mamanahayag sa iba’t ibang organisasyon sa bansa ay patuloy na nakikiramay at nagdarasal para sa napakahabang proseso ng hustisya at ito ay maipataw na sa lalong madaling panahon. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here