Home National News Ika-apat na SGLG award, inani ng Bulacan

Ika-apat na SGLG award, inani ng Bulacan

22
0
SHARE
Ipinakita ni Nanunuparang Gobernador Daniel R. Fernando ang Governance Assessment Report ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan matapos muling parangalan ang lalawigan ng Seal of Good Local Governance award sa ginanap na awarding ceremony para sa Central at South Luzon sa The Manila Hotel, Tent City kahapon. Kasama sa larawan sina (mula kaliwa) Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Bataan Jose Enrique Garcia III, Senador Juan Edgardo Angara, Provincial Administrator Eugenio Payongayong at DILG-Bulacan Provincial Director Darwin David.

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Sa ika-apat na pagkakataon, muling inani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang bunga ng mapanagutang pamamahala nito sa pagkakagawad dito bilang isa sa mga binigyan ng Seal of Good Local Governance award sa ginanap na awarding ceremony para sa Central at South Luzon sa The Manila Hotel, Tent City Miyerkules (Nov. 7).

Tumanggap ang Pamahalaang Panlalawigan ng pananda na sumisimbolo sa mga natamo nito sa pamumuno at Performance Challenge Fund na nagkakahalaga ng P7 milyon na tutulong sa pagtustos sa mga proyektong high-impact capital investment tulad ng tubig at sistema ng sanitasyon, mga kalsada at health centers.

Sinabi ng Kalihim ng Department of the Interior and Local Government Eduardo M. Año na ang pinakamahuhusay lamang ang binigyan ng pagkilala dahil layunin nilang higit ang kalidad kaysa sa dami ng nagagawa.

“While we dedicate our lives to public service, we have also embraced all the challenges and sacrifices that come along with it. But despite all these intricacies, our awardees perform exceptionally and proven that they are above the rest,” ani Año.

Ipinarating ni Nanunuparang Gobernador Daniel R. Fernando ang kanyang pasasalamat sa mga organisasyon at volunteer workers sa lalawigan na walang kapagurang sumusuporta sa Pamahalaang Panlalawigan at sinabi na sila ang dahilan sa likod ng pagtatagumpay ng Bulacan.

“Ang bawat parangal po na aming nakukuha ay hindi para sa amin. Ito po ay alay namin sa inyo sapagkat kayo ang nagsusumikap upang makamtan ng ating lalawigan ang katagumpayan na tinatamasa nito ngayon, kaya ang parangal po na ito ay alay namin sa inyo,” anang nanunuparang gobernador.

Maliban sa Pamahalaang Panlalawigan, pinarangalan din ang tatlong bayan ng Bulacan kabilang ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag, Guiguinto at Plaridel.

Ang SGLG ay isang progresibong sistema ng pagtatasa na nagbibigay ng pagkilala sa mga katangi-tanging pagganap sa pamamahala sa pitong saklaw ng pamamahala kabilang ang financial administration, disaster preparedness, social protection, peace and order, business-friendliness and competitiveness, environmental management at tourism, at culture and the arts. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleMillions worth of counterfeit cigarettes seized in Bulacan
Next articleAgapay Paslit 2018 ni Kuya JonJon Mendoza, muling pinadama sa mga batang kapuspalad
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here