Ikalawang bugso ng SAP, dapat ipamahagi ng maayos

0
205
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

DAPAT ipamahagi ng maayos sa mga mahihirap na Pinoy ang second tranche ng Social Amelioration Program o SAP ng pamahalaan.

Matagal nang uhaw sa ayuda ang ating mga kababayan na kabilang sa poorest of the poor.

Noong unang ipahamagi ang SAP ngDepartment of Social Welfare and Development o DSWD, karamihan na nabigyan ng form ay mga may kaya sa buhay meaning mayayaman habang ang iba naman ay kawani ng gobyerno o anak ng pulitiko na mas makapangyarihan.

At ang mga totoong mahirap ay siyang naka-nganga sa biyayang hatid ng gobyerno dahil sa ilang mga ganid nating kababayan.

Pero sa pagkakataon na ito, dapat maitama na ng mga kinauukulan ang pamamahagi ng SAP dahil matagal na nilang inaasam ang kakarampot na tulong na iyan.

Kaya dapat lamang gamitin sa tama ang naturang ayuda ng gobyerno.

Now, sana sumunod sa tagubilin ng IATF ang mga kapitan del barrio. Dapat nilang ipaskil sa mga pampublikong lugar ang mga pangalan na una nang nakatanggap ng SAP sa kanilang barangay.

Diyan pa lamang makikita na ng mga residente sa barangay kung totoong mahirap ang mga benepisyuhan ng SAP.

Sana’y hindi graduate sa pagiging doktog ang mga nasa barangay para makita ng mamamayan ang transparency sa kanilang panunungkulan.

Masusukat dito ang tunay na lingkod-bayan kung totoo na mahihirap na ka-barangay ang kanilang prayoridad.

At kung sakali na hindi kayo makakasunod sa simpleng atas ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng IATF, kayo ang mananagot nito sa taumbayan.

Malinaw pa sa ihi ng manok, dapat lamang na papanagutin kayo sa batas sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act at sampahan din ng kasong administratibo at iba pa.

Gayunman, tiwala pa rin ang Kakampi ng Masa na marami pa rin naman ang matitinong opisyal ng barangay sa bansa.

Bagama’t may ilan din namang ganid at abusado sa kanyang kapangyarihan pero ang lahat ng ’yan ay may hangganan at katapusan.

Bahala na ang Office of the Ombudsman, DILG sa mga pasaway na kinawatan este kinatawan ng kanilang mga barangay.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here