Ikalawang daloy ng ayuda sa mamamayan ng Balagtas, umarangkada

0
896

BALAGTAS, Bulacan — Nasa mahigit 20,000 food packs ang kasalukuyang ipinamamahagi sa bawat pamilya sa second wave na tulong ng Pamahalaang Bayan ng Balagtas bunsod sa nagaganap na Enhanced Community Quarantine o ECQ dulot ng COVID-19.

Sa panayam ng RONDA BALITA Online kay MSWDO chief Mary Carmen Mina kamakailan, umabot umano sa 20,500 food packs ang kanilang naipamahagi sa first wave ng relief goods distribution sa mamamayan ng Balagtas.

Bago ipamahagi ang mga naturang ayuda ay sinasabihan nila ang lahat ng residente sa tulong ng mga opisyal sa siyam na barangay na maglabas ng silya sa harapan ng kanilang bahay para dito ilagay ang food packs.

Nitong Sabado (April 4) dalawang barangay na ang kanilang nabigyan ng food packs sa second wave na tulong habang inaasahang magpapatuloy para sa pitong natitirang barangay at tatlong relocation sites.

Aniya, ultimo mga kasapi ng Tricycle Drivers and Operators Association (TODA) sa naturang bayan ay kanilang binigyan ng food packs.

Sinasabing magandang klase ng bigas na may katernong frozen foods at iba pang lamang tiyan ang kanilang ipinamamahagi.

Tuloy-tuloy naman ang pagrerepak ng mga volunteer sa bahay ni Mayor Gonzalez Jr. para sa mamamayan ng Balagtas habang nasa ilalim ng ECQ dulot ng COVID-19. (RONDA BALITA Online) 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here