Home Bulacan Local News Ilang bayan at lungsod sa Bulacan, nagsagawa ng ‘boodle fight’ laban sa...

Ilang bayan at lungsod sa Bulacan, nagsagawa ng ‘boodle fight’ laban sa ASF

116
0
SHARE
Ang sama-samang pagkain ng tanghalian o 'boodle fight' na pina­ngunahan nina Mayor Bebong Gatchalian at Vice Mayor Len Pineda kasama ang mga miyembro ng City Council na isinagawa sa Malolos Public Market upang ipakita sa publiko na ligtas kainin ang karneng baboy sa Lungsod ng Malolos. Kuha Ni RR ELEOGO

WALANG dapat ipangamba sa pagbili o pagkain ng karne ng baboy ang mga mamamayan sa lungsod ng Malolos at sa mga bayan ng Guiguinto, Pandi, Baliwag, San Rafael, Donya Remedios Trinidad (DRT) at mga karatig bayan dito sa lalawigan ng Bulacan sapagkat ligtas ang mga baboy sa napabalitang sakit na African Swine Fever o ASF.

Ang boodle fight ng 120 lechon baboy na pina­ngunahan nina Gov. Daniel Fernando, Pandi Mayor Rico Roque, Vice Mayor Lui Sebastian, mga miyembro ng Sangguniang Bayanat 4,000 Pandienos (Kuha ni RR Eleogo)

Upang mahikayat at maipakita sa publiko na ASF-free na ang mga baboy sa mga naturang bayan ay nagsagawa kamakailan ng magkakahiwalay na “Boodle Fight” ng lechon ng baboy.

Sa Lungsod ng Malolos ay nanguna si City Mayor Guilbert “Bebong” Gatchalian katuwang ang Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Len Pineda, CDRRMC Malolos, Malolos meat vendors association, mga residente at mga mamimili sa isang boodle fight upang ipakita sa ating mga kababayan na ang ASF ay hindi banta sa kalusugan ng taon.

Isang boodle fight din o sama-samang pagkain ang naganap sa bayan ng Guiguinto sa Barangay Pritil na pinangunahan ni Mayor Ambrosio “Boy” Cruz at Vice Mayor Eliseo “Jay jay” Santos.

Kanya-kanyang ring gayak ng pagsasagawa boodle fight ang mga bayan ng Pandi, Baliwag upang maipakita na malinis at ligtas kainin ang mga nabibiling karne ng baboy sa kani-kanilang pamilihang bayan.

Sarap na sarap naman sa malutong na balat ng lechon si Mayor Maritz Ochoa-Monte sa ginanap na boodle fight sa Pulilan kamakailan. (Kuha ni RR Eleogo)

Sa bayan ng Pandi ay pinangunahahan ang naturang boodle fight ni Mayor Rico Roque at Vice Mayor Lui Sebastian kasama si Gov. Daniel Fernando at mga miyembro ng Sangguniang Bayan at ang may 4 na libong Pandienyo.

Umabot naman sa 120 pirasong lechon baboy ang pinagsaluhan ng mga taga-Pandi.

Sa Bayan naman ng San Rafael ay walang naiulat na pagkakasakit ng baboy sanhi ng African Swine Fever.

Kinakailangan lamang ng malawakang pag-iingat para maiwasan ang sakit na ito kung kaya’t nagbigay ng babala ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pangunguna ni Vie Mayor Edison M. Veneracion sa ilalim ng tanggapan ng Agrikultura na pinamumunuan ni Evelyn Cruz, gaya ng pagsasagawa ng check point sa pasukan at labasan ng kanilang bayan kasama ng kapulisan at mga barangay opisyal.

Ito ay upang makita kung mayroon kaukulang papeles gaya ng Veterinary Health Certifcate at Shipping Permit, patuloy na pagmomonitor sa mga babuyan upang malaman ang health status ng kanilang mga alagang baboy, pamamahagi sa mga backyard raiser ng disinfectant, agarang pagre-report kung magkakaroon ng hindi maipaliwanag na pagkakasakit at pagkamatay ng baboy sa kanilang nasasakupan.

Ang boodle fight sa Brgy. Pritil, Guiguinto na pinangunahan nina Mayor Ambrosio Cruz at Vice Mayor Eliseo Santos. (Kuha ni Allan Casipit)

At sa bayan naman ng Donya Remedios Trinidad ay wala rin naging kaso ng African Swine Fever.

Ayon sa Punong Bayan ng DRT na si Mayor Dra. Marie Flores nagsisimula pa lamang ang isyu ng ASF sa ilang karatig bayan ay nagsimula na siyang mag imbestiga sa mga backyard raiser upang alamin ang kalalagayan ng kanilang mga alagang baboy.

Ito ay isang pagpapatunay na ang karne na ating kinakain saan man sulok ng lalawigan ng Bulacan at maging sa buong bansa ay ligtas at hindi makapagdudulot ng sakit sa bawat isa sa atin. (RONDA BALITA Online)

Nina: Verna Ching Santos, RR Eleogo & Allan Casipit

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here