Ilang LGUs wapakels sa isyu ng basura

0
43
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

NAKALULUNGKOT mga ’igan, na may mga kawani ng gobyerno na nasa mataas na posisyon ang manhid at walang malasakit sa kanyang kapaligiran na dapat sana’y sila ang nagtitimon kung paano masosolusyunan ang problema ng isang bayan.

Tulad na lamang ng bayan ng Bocaue, na malaki ang problema sa kanilang basura pero hindi umano na aamoy at nakikita ng kanilang Municipal Environment and Natural Resources (MENRO) na si Engr. Dinia Gomez.

Mga ’igan ang Bocaue ay mayroong 19 na barangay subalit wala silang location of disposal facility at wala rin silang Material Recovery Facility,

Ang dami ng kanilang basura kada araw ay pumapalo sa 44.5 tons o higit pa na dinadala umano sa Metro Clark,

Kung ganito kadami ang volume ng basura, ilan truck kaya ang humahakot nito at gaano kaya kalaki ang ginagasta ng munisipyo sa pagtatapon ng basura.

Maging ang City of Malolos na binubuo ng 51 barangay ay meron lamang 4 na hektarya na matatawag nating Material Recovery Facility na matatapuan sa Brgy. Mambog.

Kung saan 23 barangay ang meron nang MRF subalit pumapalo pa rin sa 50 tonelada o higit pa ang basura kada araw.

Kaya naman marami rin sa mga kanto ng barangay ang nagkalat ang umaalingasaw sa baho na basura.

Kaya dapat na ring umisip ng paraan ang City Environment ng Malolos kung paano matutugunan ang mabantot na Basura.

Obligado kasi na sundin ng mga Local Government Units ang batas ng RA 9003 or Waste Management Act, mahigpit kasi ang panawagan ng Depratment of Environment and Natural Resources (DENR) hinggil sa usapin na ito.

Sa laki ng volume ng mga basura sa ibat-ibang mga bayan marahil mas magiging masangsang ang amoy sa inyong paligid dahil sa kawalan ng proper disposal lalo pa nga at wala namang sariling landfill ang probinsya.

Kaya ang iba sa mga LGUs ay gumagawa ng paraan kung saan lihim na ibinabaon sa lupa ang kanilang mga basura habang ang iba naman ay basta na lamang itinatapon sa ilog o sa dagat.

Malinaw po sa batas na bawal ang mga paraan nang pagtatapon sa mga sapa, kanal, ilog at ang pagbabaon sa mga pribadong lupa.

May ilan din sa mga LGUs ang naghaharimunan sa mga biyahero ng basura, may porsyento ’ika nga nila.

Kaya mas gusto nilang kinokontra ang kanilang mga basura dahil sa kasabihang may “pera sa basura” at malapit ito sa katotohanan.

Dahil may kilala ako, kapatid ng Mayor sa isang bayan sa Bulacan at ang kapatid niya na kapitan ang kontractor ng basura sa kanilang bayan pero ang kanilang MRF ay umaalingasaw sa masangsang na amoy.

Bakit daw? Kasi mas abala sa ibang bagay ang damuhong kontractor. Haisssssst, paano ba naman wapakels din si Mayor.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here