Home Pilantik Ilang mamamahayag, pera-pera na lang ba?

Ilang mamamahayag, pera-pera na lang ba?

44
0
SHARE

NAIS ko po na ipagpauna na bagamat ang nilalaman ng artikulong ay maaaring makaladkad ang imahe ng industriya ng pamamahayag, wala pong kinalaman sa isyung ito ang sino mang nasa tamang landas. Isinulat ko po ang artikulong ito batay sa hindi kayang pasinungalingan at katotohanang nangyayari ngayon na ating nasasaksihan, ang hindi tama at ’di parehas na pagtingin ng ilan sa ating mga kasamahan sa mga tao at usaping dapat sana ay binibigyang pansin at pahalagahan. Ang pagiging “utal at bingi” ng ilan sa ating mga kasamahan. Bato-bato sa himpapawid maagalit na kung sino man ang may lakas-loob na magalit.

*****

SA araw-araw na lang na ginawa ng Diyos ay wala na yatang araw na walang nangyayaring krimen sa ating bayan o lupang sinilangan. Sari-saring uri ng krimen na hidi masawata sa hindi malamang kadahilanan sa kabila ng sinasabing bastanteng-bastante ang mga kinauukulan sa kanilang kinakailangan. Ang paglaganap at pamamayagpag ng mga taong may kinalaman sa pinag-iinitan at walang kamatayang isyu sa shabu, ang pagmasaker sa mga myembro ng pamilya, patayan dito, patayan doon higit sa lahat ay ang pagpatay at panggagahasa matanda man o bata.

Ang masakit dito hindi ito tinututukan at hindi binibigyang prayoridad ng mga otorisadong sumugpo na naririyan sa ating gobyerno. Naririyan din ang ating mga kasamahan sa larangan ng pamamahayag partikular yaong mga nasa naglalakihan at kilalang pahayagan. Isama pa ang mga broadkaster sa mga dambuhalang istasyon ng radyo at telebisyon.

Katulad po ng aking sinabi, wala silang kainti-interes na ang mga pangyayaring ito ay kanilang tutukan samantalang mautot lang ang isang tanyag at kilalang personalidad ay paulit-ulit na itong ibinabalita. Kulang na lang na kanilang ipagsigawan. Bakit? Dahil ba sila nakikinabang? Wowwwww naman.

Ang isyu sa pinaputukan ng linterk na suka, bakit gigil na gigil ang ilan sa ating kasamahan na ito ay talakayin at pag-usapan gayong malayo ang usaping ito kung ikukumpara sa mga krimen na ngayon ay patuloy na nangyayari sa ating kapaligiran.

Ilan na bang mga paslit ang pinagsamantalahan ng mga taong ganid sa laman . Mga kabataang estudyante na matapos gahasain ay pinatay pa at itinapon na lamang kung saan-saan.

Ano ang pinakamatindi at makatuwirang dahilan at bakit walang panahon ang ilang sa ating kabaro upang ito ay kanilang tutukan? Ayaw kong maniwala sa aking sarili na kaya marahil ganoon sila ay dahilang ang biktima ay mga yagit lamang at hindi nila ito pagkakaperahan.

Napasakit tanggapin ang katotohanang sa panahong ito ay pera-pera na lang at kung wala kang pera ang kaso mo at mababasura sa dahilang may mga kabaro tayo ang hindi nagpapahalaga o nagbibigay pansin upang ang kaso ay masusing siyasatin.

Hindi po nilalahat ni PILANTIK, subalit aminin man po natin at hindi, hindi na po mawawala sa ating mga kabaro ang nauutal at nasisilaw kapag pera na ang pinag-uusapan lalo na kung malakihan. Masakit di po ba? Ang kakapal.

Masakit mang sabihin, tanggapin nating nasa larangang ito na ang mga taong ito ang nagsisilbing kalawang na sumisira sa malinis na reputasyon at imahe ng ating samahan, ang larangan ng pamamahayag.

Muli pasensya na po kung si PILANTIK ay nakakasakit ng damdamin at kalooban Tanging hangad ko po lamang ay ang malinis, pantay o parehas sa ating pagtrato sa mga taong nananalig at natitiwala sa ating propesyong sinumpaan. Muli po ang inyong paumanhin at pang-unawa. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here