Home Editorial Iligal na droga sa NBP, nakabalik na?

Iligal na droga sa NBP, nakabalik na?

669
0
SHARE

NASA sentro na naman ng usapan ang problema ng iligal na droga sa loob New Bilibid Prison (NBP) dahil  sa inilabas na impormasyon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na nanumbalik na umano ang mga transaksyon ng droga sa Munti.

At isa sa mga dahilan ng kalihim ay ang hayagang pagkakaroon ng cellphone ng mga preso sa nasabing piitan na nagagamit sa mga transaksyon sa droga. Sa kabila ng ilang mga pagdinig sa Senado noong nakaraang taon ay balik na naman sa iligal na droga ang pambansang piitan.

Nakalulungkot ang mga pangyayari dahil ang inaasahan ng publiko ay natapos na ang problemang ito sa loob ng NBP dahil sa dami na ng itinuro, naibulong, nakulong na personalidad at may mga nagbuwis pa ng buhay ay bale-wala rin pala.

Ganito rin ang nagaganap sa Panlalawigang Piitan ng Bulacan kung saan naging maiinit ang usapin sa iligal na droga nitong mga nakaraang linggo. Mobile phone din ang nakikitang dahilan kaya 60 porsyento umano ng transaksyon ng iligal na droga sa Bulacan ay nagaganap sa provincial jail.

Kaya agad na inutos ni Governor Wilhelmino Sy-Alvarado sa jail warden na ipagbawal ang paggamit ng cellphone sa loob ng nasabing piitan. Inutos rin ng gobernador na mas higpitan ang mga inspection sa mga dumadalaw na preso.

Marahil ganito rin lang ang mangyayari sa provincial jail ng Bulacan. Tulad lang ng nagaganap sa NBP, na kapag malamig na ang usapin sa droga ay balik na naman sa negosyo.

Marami na naman ang masaya. Hanggang kailan mangyayari ito? May kata pusan pa kaya ang ganitong klaseng suliranin o talaga lang na makapangyarihan ang mga drug lords sa mga piitan, maging sa NBP o sa Bulacan Provincial Jail.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here