Home Bulacan Local News Inagurasyon ng bagong Malolos City Police Station, isinagawa

Inagurasyon ng bagong Malolos City Police Station, isinagawa

1171
0
SHARE

 

PORMAL nang binuksan ang bagong gusali ng Malolos City police na may tatlong palapag at katabi ng Malolos City Sports and Convention Center sa Bgy. Bulihan noong Miyerkules

Nagbibigay na kanyang mensahe si Mayor Christian D. Natividad habang nakikinig sina (mula sa kaliwa) Hagonoy Mayor Amboy Manlapaz, Bulacan Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado, Chief Supt. Amador V. Corpus, Central Luzon police regional director at DPDA at acting provincial director P/Supt. Marlon Santos.

Ayon sa naging pahayag ni Mayor Christian D. Natividad, maliban sa bago umanong himpilan ng pulisya, magkakaroon na rin ang Lungsod ng Malolos ng Special Weapons and Tactics (SWAT) na kumpleto sa mga makabagong gamit tulad ng SWAT mobile command vehicles, motorcycles at brand new automatic assault rifles.

 

“Ganito namin protektahan ang seguridad ng mga Malolenyo at pagpapanatili ng peace and order sa City of Malolos, a fast booming city sa kasalukuyan,” ani pa ng alkalde.

Dagdag pa nito na ang lungsod umano ay may 252,000 population sa gabi at lumulobo ng mahigit 600,000 sa araw dahil dito sa lungsod ng Malolos matatagpuan ang malalaking unibersidad at mga ahensiya ng gobyerno.

Ang buong puersa ng Malolos City Police sa pamumuno ni P/Supt/ Heryl Bruno kasama si Mayor Christian D. Natividad matapos ang inagurasyon ng bagong police headquarters.

Nagpasalamat naman si P/Supt. Heryl Bruno, chief of police, sa suporta at pagtitiwala na ibinibigay ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Natividad.

Pinagkalooban ng Plaque of Appreciation si Chief Supt. Amador V. Corpus, Central Luzon police regional director ng maging panauhing pandangal sa blessing at inagurasyon ng bagong Malolos PNP headquarters na may 3 palapag sa Brgy. Bulihan.

“Kung wala ang suporta ni Mayor Christian at ng mga Malolenyo, hindi rin namin mararating kung ano man ang naaabot ng Malolos Police,” ani Bruno.

Inihayag din ni Bruno ang mga accomplishments ng kanyang kapulisan laban sa pagsugpo ng iligal na droga sa lungsod tulad ng pagkakaroon ng 398 graduates sa Bahay Pagbabago, pagbaba ng index crime ng 50% at paggawad ng mga scholarship program sa mga nagtapos sa reformation program ng Malolos CPS.

Ang pasasalamat na mensahe ni P/Supt. Heryl Bruno, Malolos City chief of police sa Pamahalaang Lungsod.

Pinuri naman nina Bulacan Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado at Chief Supt. Amador V. Corpus, Central Luzon police regional director, sina Mayor Natividad at PSupt. Bruno sa kanilang pagpupunyagi na maging drug-free ang lungsod at maging isa sa

pinakamagaling ang Malolos police sa bansa.

Ang pormal na pagtatanggal ng tabing ng bagong gusali ng Malolos PNP na pinangunahan nina Mayor Christian D. Natividad, Chief Supt. Amador V. Corpus at P/Supt. Heryl Bruno.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Binababasan ni Fr. Gil V. Cajurao, Parish Priest ng City of Malolos ang bawat kuwarto at maing ang pasilyo ng bagong gusali ng kapulisan ng Lungsod ng Malolos.

 

 

 

 

 

 

 

Binababasan ni Fr. Gil V. Cajurao, Parish Priest ng City of Malolos ang bawat kuwarto at maing ang pasilyo ng bagong gusali ng kapulisan ng Lungsod ng Malolos.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here