Home Kakampi Ng Masa INFRA na winasak ng lindol sa Batanes pumalo na sa P292 milyon

INFRA na winasak ng lindol sa Batanes pumalo na sa P292 milyon

13
0
SHARE
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

MATINDI mga ’igan ang iniwang pinsala sa imprastraktura dulot ng magkakasunod na lindol sa probinsiya ng Batanes.

Ang serye ng lindol na naganap sa naturang lugar ay bandang 4:16 ng madaling araw na naitala sa magnitude 5.

Sinundan ito ng isa pang magnitude 3.2 makalipas ang 1 oras, bago naitala ang “main shock” na pumalo sa magnitude 5.9 bandang alas-7 ng umaga na dumurog sa archipelagic province ng Batanes umabot na sa P292.85 million ang total damages.

Sa pinaka bagong damage assessment ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nito lamang Hulyo 29 at 30, 2019, pinaka-estimate ay umakyat na sa halagang P292 million ang nasira kabilang na diyan mga ’igan ang 978 residential, public buildings, mga kalsada at maging ang slope protection structures na nadurog sa mga barangay ng Sta. Lucia, San Rafael, Sta. Rosa, Sta. Maria, and Raele sa bayan ng Itbayat.

Pinakamataas na da­mage sa infrastructure ay mula sa Brgy. San Rafael na may inisyal na estimated P103.36 million habang may 269 totally and partially-damaged structures.

Umaabot sa 195 structures sa Brgy. Sta. Maria ang incurred damage na nagkakahalaga ng P81.94 million, covering damage ng 191 residential structures na aabot sa P32.70 million, apat na public buildings na may halagang P49.27 million.

Patunay lamang na nagbabago na ang panahon. Dati-rati’y sentro ng bagyo ang Batanes at kahit anong lakas nito ay hindi kayang padapain ang bahay, gusali at iba pa, pero sa isang iglap lamang ay durog at nawasak ang isa sa mga pinagmamalaking tourist spot ng bansa.

Kaya marahil napapanahon na rin na mag-upgrade ang mga may-ari ng gusali at bahay sa Batanes dahil sa mahihina na rin ang pundasyon ng mga sinaunang imprastraktura.

Sabi nga ni Dr. Renato Solidom ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), hindi na ligtas ang ilang mga bahay at gusali sa isla ng Itbayat. At dahil sa nangyaring lindol mas makabubuti daw na lagyan na nang bakal ang mga istraktura dito.

Kaya naman maging ang Brgy. Sta. Rosa ay damay rin sa nasalanta ng lindol. Nasa 244 damaged residential structures na aabot ang halaga sa P69.35 million at 20 meters ng slope protection na P1.26 million ang nawasak dito habang ang Brgy. Sta. Lucia ay may 164 na nawasak na residential structures na may halagang P19.95 million at 2 public buildings na P5.36 million at ang Brgy. Raele ay aabot naman sa P11.60 million ang nawasak ng lindol.

Sana naman ay mahatiran ng sapat na tulong ang mga residenteng apektado ng lindol sa Batanes.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag send lang sa thony.arcenal@gmail.com (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here