Home Top Story Isabel Granada, pumanaw na!

Isabel Granada, pumanaw na!

714
0
SHARE

NATAPOS na ang paghihirap ng aktres na si Isabel Granada dahil pumanaw na ito matapos ma-comatose ng sampung araw dahil sa aneurysm sa Qatar.

Base sa Facebook post ng mister niyang si Arnel Cowley, pasado alas-dose ng madaling-araw ngayong Linggo, November 5, namaalam ang aktress.

OFFICIAL STATEMENT OF ARNEL COWLEY: It is with great sadness that my wife Isabel Granada has peacefully passed here in Doha Qatar. She has been a fantastic wife, mother, and daughter. She always did her best in everything she did, whether it be in front of a camera or sports. I would also like to take this time to thank the Filipino community in Doha for giving their full support throughout this difficult time for myself and the family.

Baby..wherever you might be..just always remember that I LOVE YOU. and I miss you very much

Gayundin ang pagkukumpirma ng dating asawa nito na si Jericho Genaskey Aguas sa kanyang FB account.

Sa Facebook post ni Aguas, pinasalamatan nito ang aktres dahil sa ibinigay na anak at masayang pagsasama nila sa loob ng 14 taon.

Maalalang ilang linggo ring na-comatose si Granada sa Qatar dahil sa aneurysm.

Kabilang sa mga sikat na pelikula ni Granada ang “Magic to Love” (1989), “Lessons in Love” (1990) at Ligaya ang Itawag Mo sa Akin (1997).

 

SHARE
Previous article5 milyong pisong halaga ng shabu, nasabat ng PDEA sa Zamboanga City
Next articleAustralia, UK naglabas ng travel advisory
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here