Home Batok sa Kaliwa, Suntok sa Kanan Isang malaking hamon sa Sta. Maria-PNP

Isang malaking hamon sa Sta. Maria-PNP

60
0
SHARE
An opinion column by Rolando S. Gamoso

ISANG malaking hamon sa mga kapulisan sa Sta. Maria, Ilocos Sur kung paano lulutasin ang krimen tungkol sa bangkay ng isang babaeng natagpuan sa isang maisan sa Brgy. Suso ng naturang bayan nung Pebrero 1, 2020.

Ang bangkay na ayon sa lumabas na resulta ng awtopsya ay ginahasa muna bago piñatay at pagkatapos ay kinuha pa ang mga alahas ay nakilalang si Jonalyn Eraela Fabro, may asawa, ng Brgy. Bigbiga, Santiago, Ilocos Sur.

Nabatid na noong Sabado, nagpunta sa kanyang bukid sa Sitio Romas, sa Barangay Suso, ang magsasakang si Fredelino Calibuso y Castro, 55, may asawa ng Brgy. Poblacion Sur, Sta. Maria, Ilocos Sur , para maglinis sa kanyang maisan.

Nasa aktong naglilinis si Calibuso nang madiskubre ang naturang bangkay na basag ang mukha at nakababa ang damit na pang-ibaba.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong si Fredelino sa kanyang pamangkin na si Jocelyn Leonson, isang government employee, para mabilis na maireport ito sa mga kinauukulan.

Matapos na matanggap ang report, mabilis namang nagpunta ang mga miyembro ng Sta. Maria-PNP sa naturang lugar para beripikahin ito.

Sa ating pagkakaalam, may mga nakalistang persons of interest na ang Sta. Maria-PNP na posibleng maging daan sa ikareresolba ng kaso.

Dito ngayon masusubok ang galing o husay ng mga kapulisan sa pag-iimbestiga. Ang tanong, kaya ba natin, sir idol Police Captain Regin Cabico? Si Captain Cabico po ang hepe ng Sta. Maria-PNP.

Para sa mga naulilang pamilya, asahan po ninyo na ang kolum na ito ay kaisa ninyong naghahangad ng hustisya para kay Jonalyn.

Oo, isa ako sa mga nanalangin na magtagumpay sila na malutas ang kaso at ma-identify kung sino man ang demonyong salarin.

Dapat lang na matunton at pagbayarin ito dahil kung hindi baka meron pang mga magiging kasunod na biktima niya, period!

*****

Babala para sa mga taong mahilig
magpakalat ng ‘Fake News’sa FB

Kung isa ka sa mga mahihilig magpakalat ng ‘fake news’ kaugnay sa 2019 novel coronavirus, basahin mo ito…

Alam ba ninyo na inatasan na ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) para tugisin ang sino mang magpapakalat ng fake news kaugnay sa 2019 novel coronavirus?
Ang mahuhuli ay sasampahan ng kaukulang kaso.

Fabrication, manipulation, and dissemination of any false and unverified information is also punishable by law.

Kaya sa mga mahihilig diyan na magkalat ng ‘fake news’, ingat-ingat! Baka makulong kayo nang wala sa oras! (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articlePDEA declares Aurora, Bataan as drug-cleared provinces
Next articleConstruction worker, huli sa buy bust ops sa Candon City
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here