Isang panibagong kaso ng Covid-19 sa Malolos, kinumpirma

0
591

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Kinumpirma ni Mayor Gilbert “Bebong” Gatchalian ang panibagong kaso ng Covid-19 dito sa nasabing lungsod, Lunes ng hapon.

Update mula kay Mayor Gilbert Gatchalian.

Posted by Bulacan Provincial Health Office on Monday, March 23, 2020

WATCH VIDEO HERE: facebook.com/670466569819064/posts/1271845716347810/?d=n

Agad umanong nagkasa ng contact tracing ang Office of the Mayor kasama ang City Health Office of Malolos upang matunton ang mga nakasalamuha ng pasyente sa mga nakalipas na araw at malaman kung saan nito nakuha ang naturang virus.

Nasa isang ospital na umano ang nasambit na pasyente habang under monitoring ang mga kasama nito sa bahay.

Ito ang pangalawang positibong kaso ng naturang Covid-19 sa Malolos.

Muli ay nagpa-alala ang alkalde na patuloy na manatili sa bahay lalo ngayong umiiral ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Palagiang maghugas ng kamay, kumain ng masusustansiyang pagkain at panatilihin ang social distancing upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng nakamamatay na virus.

Base sa ulat ng Provincial Health Office, sa kasalukuyan ay meron nang 8 covid cases ang Bulacan. Ito ay mula sa CSJDM (2), Malolos (2), Guiguinto (1), San Ildefonso (2) at Baliwag (1).

May 203 na rin na patients under investigation (PUI), 666 na person under monitoring (PUM) habang 2 ang nasawi sa nasabing virus. (RONDA BALITA Online)

Previous articleCovid-19 cases in PH now 462, death toll climbs to 33
Next articleNasan ka na Mayor? -Copit-19 Parody
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here