Home Batok sa Kaliwa, Suntok sa Kanan Isang pasasalamat sa BJMP-Candon City at PNP-Candon City

Isang pasasalamat sa BJMP-Candon City at PNP-Candon City

103
0
SHARE
An opinion column by Rolando S. Gamoso

LAST week, nagkaroon po ang mga public schools (elementary at secondary) ng Brigada Eskwela. Nationwide po iyan. Mula April 20 hanggang April 25, 2019 ang schedule ng Brigada Eskwela.

Nais pong ipaabot ng aming boss na si Gng. Florencia B. Pescador, ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakibahagi sa aming Brigada Eskwela ngayong 2019.

Ang Brigada Eskwela ay ‘yearly’ na inilulunsad ng Department of Education para ihanda ang mga eskwelahan sa muling pagbubukas ng klase. Nandyan ‘yun pagre-repair sa mga sirang upuan, mesa, bubungan at kung ano-ano pang puwedeng i-repair at pati na rin ang pagpipintura sa mga bulaster at mga wall o dingding ng mga eskwelahan.

Sa naturang brigada eskwela, iniimbitahan ng mga public schools ang mga stakeholder, mga magulang at mga iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para makiisa.

Bilib ako sa mga nasa BJMP-Candon City at mga nasa Candon-PNP dahil sa 100% na kooperasyon o suporta na ipinakita nila sa naturang programa.
Araw-araw ay may eskwelahang silang naka-schedule na pupuntahan. Doon ay masaya silang nakiki-join sa mga nagbribrigada.

Sa Bagar Elementary School, 13 na personnel sa hanay ng BJMP-Candon City ang pumunta sa naturang eskwelahan para tumulong sa paglilinis. Kasama sa 13 na personnel na ito si City Jail Warden J/Chief Insp BRUNO MARIANO. Ang mga iba pa ay sina: J/Insp Morlan G. Torres; SJO3 Cecile D. Malqued; JO3 Gabriel I. Gano; JO3 Shierley Estrellas; JO2 NUary Tonggaan; JO1 Jefferd Martinez; JO1 Renz Vitug; JO1 Reynante Ellorin; JO1 Louie Orpilla; JO1 Chissme Chan; JO1 Mildred Carino; JO1 Novie Faith Lucena; JO1 Rexor Nolasco; JO1 Nelson Quitasol; at, JO1 Joel Cam-ani. Nilinis ng grupo ang mga madadamong area ng nasabing paaralan.

Hindi rin nagpahuli si Police Lt. Col. Jugith Del Prado, ang Chief of Police ng Candon City. Nagpadala rin siya ng mga tauhan para tumulong sa paglilinis at pag-aayos ng mga dapat na linisin at ayusin.

Tama ang kasabihan na “kapag tulong-tulong, napapagaan at napapabilis ang mga trabaho”. Resulta, handang-handa na ang Bagar Elementary School para sa openning ng school year 2019-2020.

Magandang ang ipinapakitang ito ng BJMP at PNP. Talagang ipinararamdam nila sa publiko na nandiyan sila, laging nakaagapay, handang dumamay sa kahit anong programa o aktibidad ng mga tao basta nakatutulong para sa ikauunlad ng isang pamayanan. Ang sila’y laging mapagkakatiwalaan at maaasahan.

Dahil dito, isang pagsaludo po ang nais na ipaabot ng iyong lingkod sa Candon PNP at sa BJMP –Candon City.

Nawa’y dumami po ang lahi ninyo.

*****

PERSONAL: Congrats sa lahat ng mga nanalong kandidato noong nakaraang May 13, 2019 midterm election lalong-lalo na sa mga kaibigan natin na sina: Congressman Degracias Victor DV Savellano (1st District, Ilocos Sur); Congressman Kristine Singson Meehan (2nd District, Ilocos Sur); Provincial Board Member Efren Rafanan (1st District, Ilocos Sur); Provincial Board Member Mildred Elaydo (2nd District, Ilocos Sur); Mayor Ericson G. Singson (Candon City); Mayor Josefino Miranda (Santiago); Mayor Jun Vezosa (Tagudin); Vice Mayor Ray Elaydo (San Esteban); Vice Mayor Virgilio J. Valle (Sta. Cruz); Vice Mayor Moises Galangco (Galimuyod); Councilor Alfonso Singson (Candon); Councilor Robert B. Tudayan (Candon City); Councilor Aileen Acal (Candon City); Councilor Joanne Ascension Valdez (Candon City); Councilor Jorge Valdez (Candon City); Chito Balagot (Candon City); Councilor Godo Abrero (Candon City); at Councilor Joselito Miranda, Jr. (Santiago). (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article611 kabataang Bulakenyo, nagtapos sa PGB Summer Sports Clinic
Next articleCOMELEC walang paninindigan?
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here