Home Showbiz Isko Moreno nagapi ang dalawang ‘Goliath’ ng Maynila

Isko Moreno nagapi ang dalawang ‘Goliath’ ng Maynila

25
0
SHARE

KUNG tutuusin isang David at dalawang Goliath ang labanan sa Maynila nu’ng nakaraang eleksyon.

Sina Alfredo Lim at Joseph Estrada ang mga Goliath at si Isko Moreno naman si David.

Ang naunang dalawang nabanggit ay ang mga higanteng napabagsak ni Isko sa larangan ng pulitika.

Natalo niya sina Lim at Estrada sa pagka-Mayor ng Maynila.

Ang mga Manilenyo ay tuwang-tuwa sa naging resulta ng eleksyon.

Kung si Lim ay tanggap ang pagkatalo, si Erap ay hindi.

Katunayan hindi raw makapaniwala na siya ay natalo ni Isko gayung sa dalawang termino ng kanyang pagkakaupo bilang Manila Mayor ay maganda naman daw ang kanyang naging performance.

Maging sa mga surveys na lumalabas bago ang araw ng eleksyon ay lamang na lamang daw siya.

Ani Erap sa interbyu ng ABS-CBN News, “Di ko alam paano nangyari, hanggang ngayon iniisip ko… sobrang bigat… “Until now, I’m still at a loss kung sino yung malaking gumawa nito.”

Ang masakit pa nito ang balwarte ng Estrada family, ang San Juan City ay nawala na rin sa kanila.

Hindi nakapasok bilang Mayor ang anak ni Jinggoy na si Janella.

Ang dalawang anak ni Erap na si Jinggoy at JV ay nasa alanganin pa rin kung makakapasok sa 12 mapipiling senador.

Maging sina ER Ejercito at Gary Estrada na tumakbo sa kani-kanilang lugar ay hindi rin pinalad na manalo.

Ibig bang sabihin nabuwag na ang Estrada-Ejercito dynasty sa larangan ng pulitika.

O sadyang totoo ang kasabihan na ang numero 13 ay masamang numero para kay Erap?

Nahalal si Erap bilang Presidente ng Pilipinas kung saan siya ang ika-13. Nahainan siya ng impeachment nu’ng November 13, 2000.

Nabigyan ng parole at tumakbong mayor ng Maynila nu’ng May 13, 2013 kung saan siya ay nanalo.

Pero ngayong May 13, 2019 ay nabigong maging Manila mayor muli si Erap.

Siya ay natalo ng maliit na bato sa pamamagitan ni Isko Moreno. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleAgot Isidro sinagot ang tweet ni Imee Marcos
Next articleAngel Locsin ‘palaban’ sa basher
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here