Home Katropa Rumoronda Isyu sa San Jose del Monte at Pandi, Bulacan

Isyu sa San Jose del Monte at Pandi, Bulacan

182
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

PATULOY ang hinaing ng mga San Josesnios ukol sa isyu ng kakulangan sa suplay ng tubig, ang iba ay sinisisi pa ang pamahalaang lokal dahil sa kakapusan ng tubig. Ngayon ay narito ang katotohanan na maging ang mga lider ng pamahalaang lokal ay biktima din ng nasabing suliranin.

PANDI SENIOR CITIZENS’ BIRTHDAY — Nagpakuha ng ‘souvenir photo’ ang mga Senior Citizens na nagdiwang ng kanilang kaarawan na dinaluhan ng mahigit kumulang sa isang libong katao. Ginanap sa Leonardo Andres Sports Complex, Pandi, kamakailan. Ang nasabing okasyon ay handog ni Mayor Rico Roque sa mga may kaarawang Senior Citizens ng Pandi, Bulacan. Makikita sa larawan ang mga Seniors, habang nasa dulong kanan si Gng. Eladia Raymundo, OSCA Chairperson. (Kuha ni LETTY BILLONES)

Nakakalap tayo ng mga mensaheng idinulog ni Congresswoman Florida Robes, sa ginanap na pagdinig ng Committee on Public Works and Highways at Committee on Natural Resources, hinggil sa problema sa suplay ng tubig.

Ating pinagtagni-tagni ang mensaheng ating nasaliksik, narito ang ilan sa sinabi ni Congw Rida Robes: “Ang akin lang po dito ay gusto ko pong umapela, bilang empleyado at nagmamahal sa bayang ito, na sana po ay bigyang pansin ang bawat hinaing ng mamamayang Pilipino, maliit man o malaki.

Ako po ay dudulog sa Pangulo na talagang ginawa ko na rin po, kung mali po ang binigay na datos ng San Jose Water District, siguro marapat lamang po na ating upuan. Pero hindi po natin pwedeng isantabi ang mga tunay na pangangailangan, kung paano tayo makakatulong.

Tunay na kulang, there is really a problem with the supply, pero paano natin ito magagawan ng paraan. Kaya po ang aking pakiusap, pakinggan niyo naman po ang hinihingi ng taumbayan, higit sa lahat ang mga mahihirap sa Lungsod ng San Jose del Monte. Hindi po ako nagsasalita para sa sarili ko, ako po ay nagsasalita para sa taumbayan.”

Ayon pa rin sa Kongresista,” “Ang akin lang po ay mabuhay po ng maaayos kasi akala po ng iba porke mahirap, hindi na maliligo ng dalawang beses maghapon, hindi man po simpleng pakingan pagpapaligo, pagkain ng tao pero ang akin pong dinudulog ay ang kahilingan po ng mga mahihirap ng mga taga-lungsod na sana bigyan ninyo ng pansin kahit konti.”

Batay pa sa impormasyon na ating natanggap, ay noong ika-25 ng Hunyo, 2019 ay nanawagan at ipinaglaban ni Congresswoman Florida “Ate Rida” P. Robes sa kongreso na bigyan ng pantay, na alokasyon ng tubig mula MWSS ang Lungsod ng San Jose Del Monte tulad ng supply sa Metro Manila bilang tugon sa kinakaharap na krisis sa ating lungsod.

Tsk! Tsk! Tsk! Iyan po ang katotohanan na ang suliranin ay nasa mga kamay at desisyon ng nagpapatakbo ng suplay ng tubig sa Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM.) Hirap nito hindi lang sa LSJDM, hirap ang suplay ng tubig, kundi sa buong lalawigan ng Bulacan. Dito nga sa lugar ko parang may sakit sa ‘prostate’ ang daloy ng tubig pauntol-untol. Tila pipiguk-pigok ang tulo sa gabi, sa umaga naman halos wala na. Sana naman sa panawagan ni Congresswoman Rida Robes ay may mangyaring maganda para sa kapakanan ng lahat.

*****
Ngayong buwan ng Hulyo at nakalipas na buwan ng Hunyo ay ipagpapatuloy ni Mayor Rico Roque, ng bayang Pandi, Bulacan, ang nahintong paghahandog ng kaarawan para sa mga Senior Citizens (SCs.) Ang mga SCs na may kaarawan sa nasabing buwan ay magtitipun-tipon, upang i-‘celebrate’ ang kanilang kaarawan. Ito ay maaaring ganapin sa Leonardo Andres Sport Complex. Bagamat walang pondo ayon kay OSCA Chairwoman Eladia Raymundo, ay sisikapin ni Mayor Roque na maisakatuparan ang nasabing selebrasyon, tulad ng kanyang pangako sa kanyang mga itinuturing na Ama at Ina sa bayang nasasakupan.

Tsk! Tsk! Tsk! Bilang isang Senior na din, ay matagal ko na rin nakasama ito si Gng. Eladia Raymundo, masipag at palakaibigan, tamang tama siya sa kanyang posisyon. Idinagdag pa ni Raymundo na hindi lamang Birthday Month ang kanilang ipagdiriwang, kundi meron pa ring Elderly Month, Valentine’s Day at Paskuhan sa Barangay na kanilang isasagawa sa hinaharap.

Narito po ang ating email: billones@ralo.com

 

SHARE
Previous articleNaghaharing mga Intsik sa West Phil. Sea
Next articleSpecial Forces Regiment trains ‘Descendants of the Sun’ cast
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here