Home Editorial Itigil na ang pagpapadala ng workers sa Kuwait

Itigil na ang pagpapadala ng workers sa Kuwait

246
0
SHARE

MALAKING porsyento nang ipinapadalang mga Pinoy workers sa bansang Kuwait ay mga domestic helper o kasambahay.

Nagalit si Pangulong Rodrigo R. Duterte nang makarating sa kanyang kaalaman na may apat na Pilipina ang inabuso sa Kuwait. Hindi pa malaman kung mga domestic helper ang mga ginahasang Pinay pero malamang na mga DH ito.

Agad na nagpasya ang Pangulo na magtungo sa Kuwait sa lalong madaling panahon. Bagama’t hindi sinabi ang takdang araw nang pagtungo sa nasabing bansa subalit agad-agad daw ang gagawing pag-alis nito.

Ayon kay Presidential spokeperson Harry Roque, maaaring ang mabilisang pagtungo ni Duterte sa Kuwait ay dahil na rin sa imbitasyon ni Kuwati Ambassador to the Philippines Musaed Saleh al-Thwaikh.

Nagtungo si Al-Thwaikh sa Malacañang at inimbitahan si Duterte. Umano’y may kaugnayan sa suspension ng Pinoy workers sa Kuwait ang dahilan kaya inimbitahan si Duterte. Sinuspende ni Duterte ang deployment ng Pinoy workers sa Kuwait noong Enero 19, dahil sa patuloy na pang-aabuso ng mga Kuwaiti employers sa mga Pinay DH. Sinabi ni Duterte na hindi na nirerespeto ang mga Pinoy workers. Nawawalan na raw ng dignidad dahil sa ginagawang pang-aabuso.

At sa kabila na nagpupuyos na sa galit ang Pre­sidente sa mga hindi makataong pagtrato at pang-aabuso sa Pinoy workers, tila walang epekto ito sa mga malulupit na employers sa Kuwait. Patuloy pa rin sa kanilang ginagawang pang-aabuso, pang­gagahasa at pagmamalupit sa mga manggagawang Pinoy.

Nalathala sa isang pahayagan sa Kuwait ang pagkakadiskubre sa bangkay ng isang Pinay sa loob ng freezer sa isang abandonadong apartment sa Kuwait City. Marami umanong pasa sa katawan ang Pinay. Ayon sa report, nadiskubre ang bangkay nang pasukin ng mga pulis na magsisilbi ng warrant. Wala na ang employers ng Pinay na sisilbihan sana ng warrant.

Panindigan na ni Duterte ang naunang pasya na itigil ang pagpapadala ng contract worker sa Kuwait. Lubhang kawawa ang mga Pinoy worker doon lalo ang mga domestic helper. Panahon na para sila isalba. Matagal na silang minamaltrato. Ngayon na ang tamang oras para sila mapalaya sa mga malulupit at manyakis na amo. Tulungan na lang sila na makakita ng trabaho dito sa sariling bansa.

SHARE
Previous articleAng panganib na dulot ng ‘The Big One’
Next articleNawawalang mister sa Cavite, bangkay nang matapuan sa quarry site!
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here