Home Showbiz Ivana, Tony at Donny pumirma ng kontrata sa ABS-CBN

Ivana, Tony at Donny pumirma ng kontrata sa ABS-CBN

29
0
SHARE

OPISYAL nang Kapamilya ang tatlo sa mga kilalang pangalan sa showbiz industry na sina Ivana Alawi, Tony Labrusca, at Donny Pangilinan matapos pumirma ng kani-kanilang kontrata sa ABS-CBN kamakaraan.

Ani Ivana, “Isa itong dream come true. Matagal ko nang gustong maging parte ng network na ito, at ito na ang araw na ‘yun.” Pumirma rin ng kontrata si Ivana sa Star Cinema at sa Star Music.

Dati nang napasama si Ivana sa ‘Ang Probinsyano,’ pero nu’ng time ay hindi pa siya talent ng Kapamilya Netwok.

Samantala, nagbigay naman ng patikim ang ‘James & Pat & Dave’ star na si Donny ukol sa mga proyektong kaniyang ginagawa ngayong taon.

Kabilang ang isang bagong music release na kaniyang inilarawan bilang “naiiba sa kaniyang mga nailabas noon.” Nang tanungin tungkol sa genre ng pelikula at teleserye na nais niyang gawin ngayong 2020, action ang unang lumabas sa bibig ng aktor.

Isang horror movie, bagong teleserye, at isang iWant Originals series kasama si Julia Barretto ang ilan naman sa mga proyektong nakahain para sa aktor na si Tony.

Nang tanungin kung magiging kasing “glorious” ba ng kaniyang proyekto kasama ang beteranang aktres na si Angel Aquino ang kaniyang inihahaing palabas kasama si Julia, sagot ni Tony, “Makikita niyo na lang, at kayo na ang bahalang humusga.”

Dumalo sa pirmahan ng kontrata sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak, chief operating officer ng broadcast Cory Vidanes, TV production head Laurenti Dyogi, head ng films productions na si Olivia Lamasan, head ng ABS-CBN music na si Roxy Liquigan, head ng treasury na si Rick Tan, head ng finance operations na si Catherine Lopez, at head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal. (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleJoshua Garcia, pahinga muna sa loveteam
Next articleVACC national officials slapped with cyber libel and libel cases
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here