Home National News Jail Warden ng Candon City, bagong BJMP Ilocos Sur provincial administrator

Jail Warden ng Candon City, bagong BJMP Ilocos Sur provincial administrator

406
0
SHARE

CANDON CITY — Nag-courtesy visit sa opisina ni Ilocos Sur Governor Ryan Luis Singson ang bagong talagang provincial administrator ng Bureau of Jail and Management Penology (BJMP) sa lalawigang ito nung Martes (Nov. 27).

Si J/SInsp. Bruno B. Mariano ng BJMP Candon City ang itinalagang bagong provincial administrator base na rin sa magandang record at galing mamuno na ipinapakita ng naturang opisyal.

Nabatid na si Mariano, kahit na itinalagang bagong provincial administrator, ay mananatili pa ring Jail Warden ng Candon City Jail.

Ang Candon City Jail ang kauna-unahang assignment ni Mariano simula nung matalaga siya bilang Jail Warden. Nag-3 years siya dito noong Oktubre 2018.

Aniya, okey lang na doble-doble ang trabaho niya basta dito lang siya sa Candon.

Sinabi niya na mahal na mahal niya ang Candon City dahil very supportive ang mga tao dito lalung-lalo na ang mga City Officials at siyempre ang mga tauhan niya na itinuturing na niyang mga kapamilya.

Matatandaan na kamakailan lang ay isang sertipiko ang tinanggap ng Candon City Jail mula sa isinagawang Ceremonial Awarding of Certification of Declaration of Drug Free Jail Facilities na ipinagkaloob sa kanila ng DILG, BJMP-RO1, PDEA at DOH.

Ito ay bunga ng patuloy na suportang ibinibigay ng BJMP-Candon City sa kampanya ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa droga o War on Drugs.

Dahil dito, napanatili nila ang ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga personnel at PDL sa loob ng Candon City Jail. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articlePapal nuncio leads pilgrimage to Mount Samat
Next articleBong Go’s Christmas gift – Unwavering commitment to serve
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here