Home EXTRAFONTS Jail Warden Ret. Col. Rivero, binago ang bihis ng Panlalawigang Piitan

Jail Warden Ret. Col. Rivero, binago ang bihis ng Panlalawigang Piitan

79
0
SHARE

IPINASYAL kami ni Provincial Jail Warden Ret. Col. Marcos Rivero kamakailan sa loob ng Panlalawigang piitan ng Bulacan at laking gulat namin sa nakita naming malaking pagbabago sa loob ng Provincial jail.

Nagbagong bihis ang nasabing piitan, naging maaliwalas ang buong kapaligiran. Kung dati ay nagsisiksikan sa loob ng kanilang mga selda ang mga preso, ngayon ay hindi na, ginawan ng paraan ni Warden Rivero na magamit pati ang hallway ng ikalawang palapag ng piitan at ng sa gayon ay lumuwag at magamit ng iba pang mga preso bilang kanilang tulugan.

Kapansin-pansin din ang kalinisan sa loob ng piitan, ang pagmamalasakit ng mga nakapiit upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng kanilang kapaligiran ay sadyang mararamdaman mo. Nakikipagtulungan ang mga nakapiit sa nasabing bilangguan sa pangunguna ni Mayor Butchoy sa halos katatalaga lamang na bagong warden na si Col. Rivero.

Mapapansin mo din ang pagtutulungan ng mga jail guard sa mga nakapiit, may maganda silang samahan, at nabighani din kami sa bagong anyo ng opisina ng jail warden.

Napakaganda at maayos ng bagong opisina ni Warden Rivero, pinaayos ito ni Rivero upang siyang maging salamim ng buong Panlalawigang Piitan na sa totoo lang, kung ano ang iginanda ng opisina ng warden ay ganun din kaganda at maayos ang naturang piitan.

Mabuhay ka and congrats sa’yo Warden Rivero. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here