Home Showbiz Jake at Bea may ‘kilig’ sa netizens

Jake at Bea may ‘kilig’ sa netizens

28
0
SHARE

ANG daming kinikilig na netizens sa pagtatagpo nina Jake Ejercito at Bea Alonzo.

Sa video post ay makikitang masayang nakikipagtsikahan ang Kapamilya actress kay Jake.

Pero, puna ng netizens mukhang nahihiya raw ang actor na makaharap ang magandang actress.

“They look cute together! At nakakakilig,” komento ng isang netizen.

“BAGAY SILA INFER!!!”

“Correct basta mga single at walang tinatapakang tao.” Hmmm mukha namang may pinatatamaan ang komentong ito.

May nagtanong bakit daw andun si Jake. Friend daw ba sila ni Bea.

Kaya raw andun ang anak ni dating Pres. Joseph Estrada dahil sumabit si Jake sa stylist ni Bea dahil gusto raw nitong ma-meet ang magandang actress.

Ang iba ay nagsasabing hindi naman daw bagay sina Jake at Bea dahil para na raw ‘Tita’ ng actor ang actress.

Pagtatanggol naman ng supporter ni Bea dalawang taon lang daw ang tanda ng actress sa actor. (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleAngelica Panganiban gagawa ng ‘Boldstar’ movie
Next articleMaleficent: Mistress of Evil, Sine Sindak 2 arise this month at SM Cinemas
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here