Janine Gutierrez nadisgrasya sa taping ng ‘Dragon Lady’

0
89

DALAWANG beses na palang nadisgrasya ang star ng Dragon Lady na si Janine Gutierrez.

Last April ay nabanggang ang kanyang sasakyan ng isang firetruck kung saan patungo siya sa taping ng kanyang teleserye.

Kamakailan naman ay naaksidente ang Kapuso actress sa fight scene para sa Dragon Lady.

’Di sinasadyang natamaan ng bamboo stick ang ulo ni Janine kung saan nagkaroon siya ng bukol dahil sa malakas ng impact ng pagkakapalo.

Agad na isinugod sa ospital ang anak ni Lotlot de Leon para mabigyan ng lunas.

Wala namang natamong major injury kaya ang mismong actress na rin ang nagsabing kaya pa niyang mag-taping.

Kaya kahit may tinamong bukol ay tuloy pa rin sa pagtatrabaho si Janine. Hmmm… napaka-professional na aktres. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here