Home Showbiz Janno Gibbs pinaalalahanan ang mga Pinoy voters

Janno Gibbs pinaalalahanan ang mga Pinoy voters

16
0
SHARE

NAGBIGAY ng opinion si Janno Gibbs para sa mga boboto sa darating na election.

Pagbabahagi niya para sa darating n botohan na magkaiba raw ang roles and responsibilities ng para sa pagiging mayor at ng senador.

Nagbigay pa ng reminder ang singer para sa mga Filipino voters na ‘vote wisely’ sa darating na Lunes.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Janno na ang mga senador ay may malaking responsibilidad para sa gobyerno.

Aniya, “Magkaiba ang trabaho ng Senador at Mayor. Ang Mayor ay taga pangalaga ng kanyang siudad.”

“Ang Senador ay taga gawa ng mga batas at maaring mag imbestiga ng mga hindi pagsunod dito.”

Sinabi pa niyang, “Hindi sapat ang mabait lang at may mabuting hangarin na kandidato bilang senador. Oo mahalaga din ‘yun. Ngunit, kailangang din matalino, eksperto sa batas at konstitusyon at higit sa lahat, may paninindigan sa kapakanan ng batas at bansa… at hindi kayang impluwensyahan ng makapangyarihan.”

Maraming netizens ang humanga sa pagbibigay opinion ni Janno. Wala raw namang masama na sinabi ang singer.

Ibig lang daw nitong imulat ang mga mata ng mga boboto na pag-isipan nang husto ang mga isusulat sa balota pagdating ng Lunes. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleKris Aquino nag-react sa mensahe ni Mariel
Next articleRuffa G. “nakita” ang kabataan kay Maymay
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here