Jason Abalos umalma sa biro ni Digong

0
138

HINDI nagustuhan ni Jason Abalos ang pagbibiro ni Presidente Rodrigo Duterte na maaari umanong gamitin na pang-disinfect ng kamay at facemask ang gasolina.

Sumama ang loob ng Kapuso actor dahil binoto raw niya ang presidente.

Ani Jason sa kanyang socmed account: “Namatay ang kaibigan kong pediatric surgeon dahil sa COVID, tapos may panahon pa kayong mag joke??”

Dugtong pa ng actor: “Pagbabago ang ginusto ko nong binoto kita hindi panggagago!”

May apela rin ang actor sa gobyerno na kailangang magprovide ng konkretong plano para maiwasan ang pandemya.

Aniya: “Sinukuan na ng iba ang COVID at naghihintay na lang ng vaccine pero walang maayos na plano na makakakalma ng mga tao.

“Sa panahon ngayon, wala nang maasahan na iba. Sinukuan na ng iba ang COVID at naghihintay na lang ng vaccine pero walang maayos na plano na makakakalma ng mga tao.” (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here