Home Showbiz JC de Vera at non-showbiz gf magpapakasal na!

JC de Vera at non-showbiz gf magpapakasal na!

28
0
SHARE

MASAYANG-MASAYA ang non-showbiz girlfriend ni JC de Vera dahil sa tagal-tagal na rin nilang nagsasama at nagkaroon na ng isang anak ay nag-proposed na ang actor.

Isa si Arjo Atayde sa nag-like ng ibinahaging larawan ni JC sa kanyang socmed.

Maging ang fan ng actor ay masaya para sa kanilang idolo.

Si JC ang actor na napakapribado pagdating sa lovelife.

Hindi siya palakwento pagdating sa mga napupusuan. Actually ng magkaroon siya ng anak ay tahimik lang din siya.

Pero nang pinabinyagan na ang first baby niya, very proud father ang actor dahil very healthy at bibo ang anak kahit sanggol pa lang eto.

Masaya ang actor kapag nakikita niyang panay ang smile ng anak sa camera.

Eh, sino ba namang ama ang hindi matutuwa kung makikita mong laging nakangiti ang anak sa ‘yo lalo na paggising sa umaga.

Very thankful din si JC dahil napakaganda raw ng values ng kanyang partner (Rikkah Cruz) maging ang pamilya nito.

Una nang sinabi ni JC sa interbyu nu’ng bagong panganak pa lang ang baby girl nilang si Lana na kapag ikinasal daw sila ni Rikkah dapat ay may part ang anak sa kanilang wedding. Dapat daw ay naglalakad na siya.

Kaya naman na rin ang paghihintay ng kanyang partner na ihaharap na siya sa altar ng actor with Lana around.

Very vocal si JC sa pagkukwento ng kanyang happy life with Rikkah and Lana.

“Ayoko sila itago. Hindi sila deserve na itago sila. They deserve all the happiness in life,” ani JC sa isang interbyu noon ni Kuya Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda.

The time raw na ipinanganak ni Rikkah si Lana ay nag-goodbye na sa pagkabinata ang actor. (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleCharacter ni Jessy Mendiola sa ‘Sandugo’ tsugi na?
Next articleIsraeli bf ni Rhian Ramos ‘Dakota Harrison’
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here