JC De Vera nag-aalala na sa mga bayarin

0
93

SADYANG marami na ring artista ang nababahala para sa kanilang financial status.

Isa na dito ang actor na si JC De Vera.

Nagpakatotoo lang ang Kapamilya actor kung ano ang kanyang nararamdaman ngayong tumatagal ang lockdown dahil sa COVID-19 at tinaon pa ng Kongreso ang hindi pagbibigay ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Ayon kay JC tinanggap niya ang offer na pelikula, ang “Escape From Mamasapano” dahil nami-miss na rin niyang magtrabaho.

Pero, higit daw sa lahat ay ang mga bills na dapat niyang bayaran.

Dahil sa pandemya at ang pagsasara ng kanyang homestudio, nagkapatung-patong daw ang bayarin niya kaya nang i-offer sa kanya ang project tungkol sa SAF 44 ay tinanggap daw niya agad.

 “Siguro malaking factor yung nagwo-worry na rin yung pamilya ko sa anong ibabayad sa kuryente, sa tubig, sa mga monthly amortization,” diretsang lahad ng Kapamilya actor.”

Dagdag pa ni JC “Simula talagang mag-work, kasi if not, magiging stagnant talaga yung buhay. Paano yung monthly amortizations?”

Makakasama ng actor sa “Escape From Mamapasano” sina Aljur Abrenica, Edu Manzano, Ritz Azul, Tonton Gutierrez, Congressman Mikey Arroyo at Claudine Barretto. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here