Jerome laging tulog, ayaw harapin ang problema

0
215

HOW true na ayaw harapin ni Jerome Ponce ang aming colleague para ma-settle ang problema niya hinggil sa kanyang Siberian Husky dog.

Kwento ng kasamahan namin sa panulat, nakawala umano ang napakalaki niyang aso at gumala sa kanilang subdivision.

Nakarating sa kanilang lugar ang Siberian dog. May mga alaga silang manok at sasabungin pa ang iba.

Nagkagirian daw ang mga ito hanggang sa nakalbo ang mga manok.

Ano raw ba ang ilalaban ng manok sa napakalaking Siberian dog.

Napag-alaman na pag-aari ng Kapamilya actor ang napakalaking aso.

Ilang beses na raw nilang pinupuntahan ang bahay ni Jerome, pero ang laging sinasabi ng kasama nito sa bahay ay “tulog” ang actor.

Two weeks na raw nangyari ang pagka-ransack ng manok at ng sasabungin na pag-aari ni Juan Tuliao na katira sa bahay ng aming colleague sa Town Country Executive Village.

Ni-report na rin daw sa homeowners association ang actor, pero hindi rin sinipot ng aktor ang mga ito para maresolba ang kanyang problema. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here