Jerome Ponce ’di nagpakabog kina Joshua Garcia at Nash Aguas

0
788

VERY thankful si Jerome Ponce dahil napasama siya sa teleseryeng The Good Son. Pero nalulungkot siya dahil patapos na ang drameserye.

Ayon sa young actor iba raw ‘yung naramdaman niyang fulfillment lalo na at pawang magagaling na veteran actresses – Eula Valdez, Liza Lorena at Mylene Dizon – ang kanyang mga nakasama. Plus ang kapwa niya tatlong young actor na sina Joshua Garcia at Nash Aguas at McCoy de Leon.

Proud to be an actor ngayon ang feeling ngayon ni Jerome. Malaking bagay daw kasi sa kanya ang mga naririnig niyang negatibong komento hinggil sa kanyang pag-arte.

Naririnig kasi niyang “lalamunin” lang daw siya nina Joshua at Nash na may pruweba nang mahuhusay na artista. Ginawa raw niyang inspirasyon ang salitang “lalamunin” para maka-level up sa dalawang young actor.

“Maraming sinabi sa akin ang mga director, mga staff, ilang meetings yan. Anong kailangan kong gawin, hanggang sa na-blend na nila ako nang maayos. Na-mold din nila ako sa karakter ko as Enzo. Natuwa naman ako dahil eto na pala yung kaya kong ilabas at mas may ilalabas pa pala ako,” pagtatapos ni Jerome. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here