Home Showbiz Joanna Ampil ayaw patulan ang intriga

Joanna Ampil ayaw patulan ang intriga

275
0
SHARE

WALANG isyu kay Joanna Ampil kung akusahan siya na walang utang na loob dahil iniwan na niya ang manager na si Girlie Rodis at lumipat sa kampo ni Noel Ferrer.

Ayon sa Best New Female Actress ng 34th PMPC Star Awards For Movies sa pelikulang Larawan ay inaasahan na niyang may magsasabi ng negatibong komento. Okey lang daw sa kanya kung anuman ang sabihin ng ibang tao as long as naghiwalay sila ng dating manager ng maayos. Katunayan magkaibigan pa rin daw sila. Alam na rin naman daw ni GR na lilipat siya kay Noel noon pa man.

Isa si Joanna sa umagang dumating sa National Breakfast Day sa McDonald Madison kamakailan kung saan kasama rin ang iba pang talents ni NF.

Maraming gustong gawin ang aktres sa kanyang career na unti-unti nang umuusbong. Dati kasi ay pawang broadway ang ginagawa niya. Mas nakilala siya bilang stage actress kung saan marami naman talaga siyang pinahanga noon pa man – international man ito o local.

Katunayan, nakatakdang umalis si Joanna para gumawa ng Cats musical sa ibang bansa. Nabanggit din ng aktres na gusto niyang magkaroon ng teleserye.

Ibinahagi rin ni Joanna ang guy na kasama niya nang um-attend siya ng PMPC awards last February. Aniya, isang designer ang guy na boyfriend na pala niya. Almost eight months na raw sila at magkasundo sa lahat ng bagay. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBOC recovers 85 vans of alleged smuggled tile products in Meycauayan City
Next articleJaDine fans ginigisa si Direk Cathy Garcia-Molina
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here