Jodi Sta. Maria, nagtapos ng kursong Psychology with honor!

0
485

TUWANG-TUWA ang aktres na si Jodi Sta. Maria dahil natapos na niya ang kanyang pag-aaral. Maipagmamalaki na niyang isa siyang degree holder with an honor.

Pinatunayan ni Jodi na kahit busy siya sa kanyang showbiz career ay napagsabay niya ang pagtatrabaho at pag-aaral.

May kasabihan nga tayo na ‘kung gusto may paraan at kung ayaw may dahilan.’

Sa parte ng aktres ginusto niyang makapagtapos dahil pangarap niyang maging isang guidance councilor.

Grumadweyt si Jodi ng kursong Psychology sa Southville International School and Colleges at siya ang nag-top 1 sa kanilang klase.

Ani Jodi sa interbyu: “I want to be able to work as a guidance counselor or a rehabilitation specialist.”

Samantala, malapit na ring eere ang bagong teleserye ni Jodi sa ABS-ABN, ang Sana Dalawa Ang Puso.

Dual ang role ng aktres bilang si Mona at Lisa. Kapareha niya sina Robin Padilla at Richard Yap.

Kung sa eskwela ay napakahusay ni Jodi gayundin sa larangan ng pag-arte. Comedy man o drama ay kayang-kaya magdala ni Jodi kung saan eto ngayon ang forte ng bago niyang teleserye. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here