JOEY DE LEON NAG-SORRY SA NATIONAL TV

0
334

Dahil sa salitang depression

JOEY DE LEON NAG-SORRY SA NATIONAL TV

LUMAKI ang isyu ng pagbanggit ni Joey de Leon hinggil sa depression. Nu’ng October 6 ay humingi ng paumanhi ang Eat Bulaga host sa kanilang noontime show.

Ani Joey: “Nagkamali po ako. Humihingi po ako ng paumanhin sa mga napaitan sa mga nabanggit ko at humihingi ng inyong unawa.” Nakapagsalita kasi si Joey na gawa-gawa lang raw ng mga tao ang sakit na depression nu’ng Huwebes, October 5.

Paniniwala raw kasi ni Joey ang stress at depression ay halos magkapareho lang ang meaning,

Sabi pa ni Joey, pag-uwi niya sa kanila ay pinagalitan siya ng asawa niyang si Eileen Macapagal.

Si Maine Mendoza ang nagbanggit ng depression nu’ng nagkukulitan ang barkada. Sinabi ni Maine na hindi biro ang usapin hinggil sa depression. Ayon kay Joey nag-sorry na rin daw siya sa dalaga.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here