Home Showbiz John Lloyd, isa nang direktor!

John Lloyd, isa nang direktor!

15
0
SHARE

ISA nang director si John Lloyd Cruz, eto ang viral ngayon sa socmed.

Ipinakita ng actor na kaya rin niyang magdirek ng Isang music video.

Ang kantang Saturnine Nevermore na kinanta ng Sugar Hiccup group ang una proyekto ni Lloydie.

Malungkot ang awitin, pero naipakita ng actor ang kanyang husay. Pawang mga malulungkot at tahimik na places ang nasa video.

Nakuha niya ang aming atensyon nang sa isang wall ay may isang butterfly na nakadapo, pero pakiwari namin ay bali ang isang pakpak nito.

Ang isa naman ay ang malungkot na mukha ng actor na nakasakay sa isang transportation.

Sumunod na ipinakita ay isang plane na lumilipad na.

May kahulugan kaya ang mga eksenang ‘yun sa buhay ng actor ngayon?

Kung anuman ang mga gustong ipahiwatig ni Lloydie sa kanyang unang music video, tanging ang actor lang ang nakakaalam.

Malalim talaga ang katauhan ng isang John Lloyd Cruz. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleNeri Naig, nagpapayaman ng husto
Next articleAlex Gonzaga nakipagsagutan sa socmed!
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here